Sunday , December 22 2024

Sakuna hindi alintana sa QCPD: P.5M shabu nakompiska

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

BUMAGYO man, lumindol man, ano pa…ano man trahedya ang manalanta sa lungsod Quezon, hindi magiging dahilan ito para kumalma o maantala ang Quezon City Police District (QCPD) sa kanilang operasyon laban sa ilegal na droga o kampanya laban sa kriminalidad.

Tama kayo sa inyong nabasa, hindi nagiging sagabal ang kahit anong sirkumstansiya sa kampanya ni P/BGen. Nicolas D. Torre III, Quezon City Police District Director, para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng lungsod para sa mga mamamayan.

Nitong nagdaang weekend, kahit na  bumuhos ang malakas na ulan at bumaha pa sa ilang bahagi ng lungsod, tuloy ang kampanya ng QCPD laban sa ilegal na droga. Katunayan, 16 drug pushers/addicts ang nadakip makaraang makompiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P595,000.

Sa operasyon ng Anonas Police Station 9 na pinamunuan ni Station Commander, P/Lt. Col. Ferdinand Casiano, nadakip sina Teresita Bayle; Noemi Uy; Androl Makabenta; at Tess Bayle sa Area Zigzag, Kaingin 2, Brgy. Pansol, Quezon City.

Sa tulong ng komunidad o isang  concerned citizen na nagbigay ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad, nadakip ang mga suspek makaraang makompiskahan ng  shabu na nagkakahalaga ng P476,000, cellular phone, isang NMAX motorcycle, at buybust money.

Sa  isinagawang anti-illegal drug campaign naman ng Masambong Police Station (PS 2) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Resty Damaso, station commander, naaresto naman si Andrew Victa dakong 7:10 pm sa Ilagan St., Brgy. Paltok, Quezon City. Nakuha  sa kanya ang shabu na nagkakahalaga ng  P6,800.

Hindi naman nagpapahuli sa pagpapatupad ng gera laban sa droga si P/Lt. Col. Jerry Bartolome, hepe ng Novaliches Police Station 4. Nakakompiska din ang estasyon ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 sa tulak na sina Benjamin Bautista at Dennis Franco.

Nadakip ang dalawa sa Grecio St., Francis Village, Brgy. San Bartolome, Novaliches, QC, matapos bentahan ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer.

Samantala, hindi nagbago ang kampanya ng Fairview Police Station 5 sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Elizabeth Jasmin kaugnay sa pagsuporta sa panawagan ni Torre na sugpuin ang pagkakalat ng droga sa lungsod para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Sa anti-drug operation ng tropa ni Jasmin, nadakip sina Joseph Antonio; Jerome Layson; at John Mark Arthur Mendoza makaraang bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400, ang pulis na nagpanggap na buyer. Ang operasyong buybust ay isinagawa dakong 11:40 pm sa Commonwealth Ave., Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

               Habang sa operasyon ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni P/Lt. Col. Paterno Domondon, Jr., nadakip ang mga kilalang drug personalities sa area of responsibility ng PS 6, na sina Felix Gado; Jeralyn Hoyoa; Crisanti Oreto; at Mary Ann Barbacena. Hindi na nakapalag ang mga suspek sa mga arresting officers makaraang makompiska sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P23,800. Nadakip ang apat sa Laura St., Brgy. Matandang Balara, Quezon City.

E ang Payatas Bagong Silangan Police Station 16, nagtatrabaho din ba sila? Oo naman, at pinaigting pa ng pulisya ang kanilang kampanya. Yes, sa ilalim ni P/Lt. Col. Leonie Ann Dela Cruz, umaabot a P34,000 halaga ng shabu ang kanilang nakuha sa suspek na sina Angelo Abellana at Arthuro Lobedese. Dinakip ang dalawa sa Bicol St., Group 3, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, Quezon City.

Ang magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ay isinagawa nitong 12 Agosto 2023.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kaugnay nito, pinuri ni P/BGen. Torre III ang kanyang mga operatiba sa kanilang walang humpay na pagsisikap sa kampanya laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkompiska ng mga ebidensiya.

“Asahan po ninyo na hindi kami magsasawa at mas lalo pa namin paiigtingin ang aming kampanya kontra ilegal na droga at wanted persons,” dagdag ni Torre.

Kaya, kung inakala ng mga sindikato ng droga na takot sa malalakas na ulan o sumuong sa kahit anong  trahedya o sakuna ang QCPD para ipagpaliban ang kampanya laban sa droga, ito ay isang malaking pagkakamali dahil, kailanman ay hindj nagpapahinga ang QCPD at lalo pang pinaigting ni Torre ang kampanya.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …