Saturday , November 16 2024
Sipat Mat Vicencio

Pagpupugay ng ‘Apo ng Panday’

SIPAT
ni Mat Vicencio

SI BRIAN POE LLAMANZARES ang tinaguriang ‘Apo ng Panday.’ Si Brian ay anak ni Senator Grace Poe at kasalukuyang namumuno ng FPJ Panday Bayanihan na patuloy na bumabalikat sa adhikain ni Fernandoe Poe, Jr., na tulungan ang mahihirap at may pangangailangang mga kababayang Filipino.

Ang FPJ Panday Bayanihan ay nabuo bunga ng pelikula ni Da King na ‘Ang Panday’. Ang salitang Panday ay may kahulugang bumuo o lumikha, at ang Bayanihan naman ay tumutukoy sa community action na isa sa katangian ng mga Filipino.

               Ang hangarin ng organisasyon ay buhayin at palakasin ang diwa ng Bayanihang Filipino para matulungan ang mga kapos-palad higit sa lahat ang mga biktima ng kalamidad sa Filipinas.

At ngayong darating na Linggo, Agosto 20, sa ika-84 anibersaryo ng kapanganakan ni Da King, muling sasariwain ng mga mahal sa buhay ang kanyang alaala sa pangunguna nina Grace at Brian.

Kung tutuusin, hindi nakalilimot si Brian sa pagbibigay-pugay kay Da King, at naipadarama niya ito sa kanyang walang pagod na pagsisilbi sa mga hikahos na kababayan sa pamamagitan ng FPJ Panday Bayanihan.

Kamakailan lamang, si Brian, katuwang ang kanyang inang si Grace, ay nagtungo sa Barangay Palimbang, Calumpit, Bulacan at namahagi ng bigas, instant noodles, canned goods at mga gamot sa mga sinalanta ng bagyong Egay at Falcon.

Ayon kay Brian…“Ilang ulit mang dumaan ang mga pagsubok tulad nito, asahan n’yo na lagi n’yong kaagapay ang aking inang si Grace Poe at ang FPJ Panday Bayanihan para kayo’y tulungan.”

Nagsimula ang FPJ Panday Bayanihan sa pagtulong noong 2013 nang bayuhin ng bagyong Maring ang ilang lugar sa Filipinas, at nasundan pa ito nang humagupit ang bagyong Yolanda kabilang na ang Marawi Siege hanggang sa pagputok ng Taal Volcano.

Sa gitna rin ng Covid-19 pandemic, ang FPJ Panday Bayanihan sa pangunguna ni Brian, ay namahagi ng relief goods, vitamins, at personal protective equipment sa mga nangangailangang kababayan.

Mahaba at hindi matatapos ang pagbibigay-pugay at pagkilala kay FPJ sa ginagawang pagtulong at pagmamalasakit ng foundation na pinangungunahan ni Brian.

Dagdag ni Brian…“Ibinahagi at ibinigay lahat ni FPJ ang kanyang makakaya para sa pamilya, sa industriya, at sa masang minahal niya at nagmahal sa kanya.”

“Wala ako rito sa aking kinatatayuan kung hindi sa aking lolo,” sabi pa ni Brian.

Sabi nga, hindi mabibilang ang mga nagmamahal kay FPJ, at kailan man, hindi lilimutin ang kanyang alaala. Happy birthday, Da King!

                                                            ***

INAANYAYAHAN ang lahat na panoorin ang aming bagong vlog kasama ang beteranong mamamahayag na si Jimmy Alcantara. Tatalakayin ng programang Ah, Basta! ang mga maiinit at napapanahong isyung politikal, showbiz at tsismis ng mga Marites sa bawat eskinita, looban, kanto, at plaza. Abangan! Malapit na!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …