PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAY mga pumupuna kay Andrea Brillantes na mukha raw sobra naman nitong ginagamit ang socmed para sa mga pagpapapansin niya.
Medyo may mga na-turn off kasi sa aktres nang tila hindi na raw yata nagbago ang style ng pagpapa-andar at pagpapa-kyut nito sa socmed, lalo’t may mga international celebrities na napapansin siya.
Minsan nakakaloka talaga ang mga netizen noh. Noong mga time na deadma at ayaw magpakita ng kahit anong emosyon si Andrea, kung ano-ano ang saloobin nila.
Ngayon namang si Andrea mismo ang madalas gumawa ng tinatawag nilang pagpapa-kyut, may mga sinasabi pa rin sila.
Pero nag-a-agree kami sa ilan na sana nga ay ‘yung mga project ni Andrea ang i-highlight niya gaya ng bongga niyang Drag You and Me na super kikay at baklang-bakla ang role niya.