Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mikoy Morales

Mikoy Morales laro lang noon ang pag-arte ngayo’y kinakarir na

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MALAYO na ang narating ni Mikoy Morales sa larangan ng showbiz.

Noong una pala ay reluctant siyang payagan ng kanyang magulang dahil mas priority nila na makatapos si Mikoy ng pag-aaral. 

Bago siya pumasok sa Protege ng GMA ay nasa UST siya at nag-aaral ng Architecture. Kaya siniguro ng magulang na babalikan niya ang pag-aaral after ng Protegee. Pero gumanda ang career ni Mikoy na noon ay parang laro-laro lang ang pagso-showbiz.

 Pero after so many years ay marami palang gusto si Mikoy bukod sa pag-arte lang. 

Nagsusulat pala ito ng mga story at nagangarap din na makapag-direhe sa mga susunod na panahon. 

Si Mikoy ay may dalawang pelikulang ginawa for Cinemalaya na kasalukuyang ipinalalabas ngayon. Magkaibigan ang genre pero maganda pareho. 

Nawala sa isip ko ang title ng isa at ‘yung isa ay Tether. Sa tingin niya ay Sci-Fi ang genre nito pero sa nabasa ko ay Romance-Horror at ‘yung isa ay Romance na tumatalakay sa mga kababaihan mula sa all girls school. 

Kaya bili-bisihan si Mikoy at kasama siya sa upcoming teleserye ng GMA na Maging Sino Ka Man. Kahit wala na siya sa Bubble Gang ay may koneksiyon pa rin siya sa mga kasamahan niya roon at kasama pa rin siya sa Pepito Manaloto. 

Napakabait niyan si Mikoy at ni minsan ay wala akong narinig na negative about him from other actors ang production staff sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …