Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas PM Vargas

Alfred at PM malaking dagok ang naranasan noong 2011 at 2014

MA at PA
ni Rommel Placente

SOBRANG close pala si Coun. Alfred Vargas sa kanyang nakababatang kapatid na si Cong. PM Vargas. Ang huli nga ang itinuturing na bestfriend ng una.

Sabi ni Alfred, “He’s my bestfriend. He’s the person na nakakakilala sa akin as a human being. Aside from my wife, of course, siya talaga ‘yon.”

Naikuwento ni Alfred na bagamat nakaririwasa na sila ngayon sa buhay ni PM, dumanas naman ng hirap sa buhay ang kanilang pamilya, pero lumaki naman silang maayos.

Pagbabalik-tanaw ni Alfred, “Dinaanan namin lahat ‘yan together, so mayroon kaming conscious effort na ‘wag na sanang madaanan ng pamilya namin ngayon ‘yung dinaanan ng pamilya namin dati.

“There was a time when we we’re kids, when we were studying, may nakahain na rice sa dinner table, pero hinihintay lang namin ang mommy namin na dumating.

“Kasi, hinihintay namin ang ulam. Pero ‘yung pambili ng ulam, inutang lang din niya sa office niya.

Dagdag niya, “There was a time, sa Sta. Maria, Bulacan, nagbebenta kami ng gagamba. Nanghuhuli kami. Panlaban.

“Kapag sa kaibigan namin, ibinebenta namin na piso isa. Pero kapag sa Ateneo na, PHP20 na.”

Pero sa kabila ng naranasan nilang hirap, ipinagpapasalamat nila ang kanilang pinagdaanan.

We learned how to work hard and to reach for our dreams, for our goal.

“Akala namin noong matanda na kami, okay na. Pero, isa sa pinakamalaking dagok sa buhay namin noong mawala ang parents namin… 2011 and 2014.

“Kapag nawalan ka pala ng magulang, parang nawalan ka ng malaking parte ng buhay mo,” malungkot pa na sabi ni Alfred.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …