PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAAWA kami kina James Reid at Liza Soberano dahil sila nga itong higit na napuputukan at naapektuhan ng eskandalo kay Jeffrey Oh.
Matapos nga itong hulihin, ikulong, pag-piyansahin at makalaya, si Oh na siyang tumatayong partner ni James sa kompanyang Careless Music at co-manager ni Liza, wala pa ring inilalabas na anumang reaksiyon o pahayag ang dalawa.
Kaya patuloy ang bashing kina James at Liza, higit sa huli na tinawag na ngang ingrata, walang utang na loob at na-karma.
Sa gitna nga nito ay panay ang labas ng kompanya nina James ng mga magazine cover ni Liza pati na ang pakikipag-kolab nila sa ilang Korean celebrities.
Nakalulungkot at nakaaawa namang tunay. Sana naman ay huwag na nilang idamay pa ang name ni Enrique Gilna wala namang kinalaman sa anumang nangyayari, maliban sa ito’y bf ni Liza.