Saturday , November 16 2024

Lotteng nina Pinong at Laarni sa Eastern  Metropolis, umaarangkadang muli

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI ba’t may direktiba si Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Benjamin Acorda, Jr., laban sa talamak na operasyon ng mga ilegal na sugal sa Metro Manila o buong bansa? Mayroon naman, kaya lang, mainit lang ang direktiba sa unang salta ngunit habang tumatagal na unti-unti nang nababalewala.

Tama, sa umpisa lang ang direktiba kaya nagiging ningas kugon…o ‘ika nga ay oplan pakilala lang ang direktiba.

Patunay na hanggang simula o ningas kugon lang ang gera laban sa mga ilegal na sugal ay ang muling pamamayagpag ng mga sugalan sa Metro Manila, tulad na lamang sa eastern metropolis area. Hayun, sa halip na matigil ang operasyon ng mga ilegal na sugal sa lugar ay mas lalo pang namamayagpag.

Sa Lungsod ng Marikina, balik operasyon na ang mga pasugalan ni alyas Pinong. Talamak na naman ang kanyang pabookies na lotteng, EZ2, tres suwertes. At, siyempre, hindi maglalakas loob si Pinong kung walang basbas mula sa ilang tiwaling opisyal ng Eastern Police District (EPD). Ano pa nga ba!

Siyempre, sa pagbibigay basbas kay Pinong ay may kapalit na intelihensiya kada linggo. E magkano naman ang ipinadadala ng kampo ni Pinong sa ilang tiwaling opisyal ng EPD kada linggo? Magkano nga ba Jojo?

Itong si alyas Jojo ang nakaaalam dahil siya ang isa sa kausap ng mga tiwaling pulis o opisyal ng EPD. P500k lingguhan? Hindi naman kung hindi ay P300K. Totoo kaya ito?

Well, ano sa tingin ninyo mga suki, totoo kaya ang halagang ipinadadala sa ilang tiwaling opisyal ng EPD? Kung hindi naman totoo, ang tanong ay bakit hanggang ngayon ay patuloy ang pamamayagpag ng lotteng ni Pinong sa Marikina City?

Si alyas Jojo matagal nang kilalang trouble shooter ni Pinong.

Ops, teka sa Marikina lang ba namamayagpag ang lotteng na tinutulungan ni alyas Jojo? Hindi, at sa halip, may hawak pa siya sa Pasig City. Pasig City? Aba’y nasa ilalim din ito ng EPD ha?!

Oo, isang alyas Laari din ang kilalang maglo-lotteng sa Pasig City. Katunayan, tulad ni Pinong, hindi na bago si Laarni sa ilegal na negosyong ito kung hindi legendary na ang dalawa. Perpetual maglo-lotteng na ang dalawa sa Marikina City at Pasig City. Hindi ba Jojo?

Ano pa man, PNP Chief, Dir. Gen. Acorda, naniniwala po tayo sa inyong sinseridad kaugnay sa  pagsugpo sa mga ilegal na sugal sa bansa pero, tulad din ng mga nagdaang PNP Chief, hanggang simula lang sinusunod ng mga RD,PD, DD, station commanders ang direktiba, dahil kung hindi, dapat ay wala nang mga nagpapalaro.

Tanging          kayang banggain at sugpuin lang pala ng mga RD,PD, DD, station commanders ay ang mga sugal na lupa-peryahan.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …