Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Belle Mariano

Belle tanggap ang pagiging ‘di perpekto, pagkakuba gustong maayos

MA at PA
ni Rommel Placente

AMINADO si Belle Mariano na super conscious siya noon sa kanyang katawan at itsura.

Ngunit sa pagdaan ng panahon ay nagiging mature ang pananaw niya sa  mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran lalo na sa pagtrato at pag-aalaga niya sa sarili.

Struggle is real. Alam ko namang imperfect ako. It’s our imperfections that make us perfect. I think that’s what I like,” sabi ni Belle sa interview sa kanya ni Vice Ganda sa YouTube channel nito.

We learn how to embrace our imperfections. I think that’s what makes us really stick to our core and love ourselves more.”

Sa tanong ni Vice sa kanya kung ano ang proudest imperfection niya, ang sagot ni Belle, “Before talaga sobrang weight-conscious ko. Binibilang ko ‘yung calories ko, ganyan. As in I never saw myself perfect physically. Tapos in-embrace ko siya.

“So now, I just do what I want to do. Ginagawa ko na lang kung ano ‘yung hinahanap ng katawan ko, kung ano ‘yung gusto kong kainin.”

Minsan nga ay nagkausap sila ng kanyang ina tungkol sa insecurities niya noon sa kanyang itsura at katawan, lalo na noong sumabak na siya sa pag-aartista.

Aniya, una sa mga ginawa niya para ma-overcome ang insecurity ay ang pag- embrace sa lahat ng kanyang flaws o kapintasan.

You know how noisy social media can get, Twitter can get. Kapag sinasabi na ‘Ay ang pangit ng buhok niya, ang pangit ng ano…’ Noise na lang ‘yun once matanggap mo na ‘yung sarili mo,” sey ni Belle.

Pero kung may isang physical aspect na nais pa niyang ma-improve, “Yung posture ko. Kuba ako sobra! Ha-hahaha!,” natatawang sagot niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …