PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
WALA pa ring anumang pahayag o reaksiyon sina James Reid at Liza Soberano sa isyu ng pagkakahuli at pagka-detain ni Jeffrey Oh.
Ito ‘yung business partner ni James sa Careless Entertainment na tumatayong presidente si James, habang CEO si Jeffrey at siya ring sinasabing manager ni Liza.
Sa naiulat na balita, hinuli at na-detain si Oh dahil sa wala itong maipakitang mga papeles tungkol sa naturang business at bilang isang banyaga ay may mga legal din itong obligasyon na hindi nagawa.
Kasama ang tatay ni James sa mga nagsampa ng reklamo and as of this writing ay wala pang balita kung naka-detain pa rin si Oh (dahil hindi pinapayagang mag-bail) o napaalis na ito ng bansa?
Ang nababalitaan namin lately ay ang mga collab projects nina James at Liza sa ilang Korean celebrities.