Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bongbong Marcos Imelda Marcos Liza Araneta Marcos

Pagtulong at pagiging loyalist ‘di kailangan ng kapalit

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MADALAS kong nakikita sa social media ang mga hinaing nina Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo na umano’y ‘di man lang daw sila ina-acknowledge ni Pangulong Bongbong Marcos as his supporters after hard work ng pagiging loyalists nila. 

Marami raw silang hirap na pinagdaanan sa pagiging loyalists since 1986. Alam ko si Elizabeth kasama pa nila noon sina Alona Alger, Rio Diaz at iba pa. 

Hindi ako aware sa pagiging loyalists ni Beverly since nakilala ko lang siya personally sa movie na Maid In Malacanang. Hindi malinaw sa akin kung nabigyan sila ng posisyon sa administration or maimbitahan sila sa palasyo. 

Ako kasi medyo close rin sa mga Marcos at very proud loyalist. Na meet ko lang ang grupo ni former First Lady Imelda R Marcos sa New York noong may trial of the century. Everyday nasa court room ako watching the hearing until napansin ako ng grupo kasama ang namayapang Manay Ichu Vera-Perez

Noong una nga pinagdudahan ako na spy ng mga dilawan pero ipinagtanggol ako ni Manay Ichu. For so many months ay dinadalhan  ko sila ng pagkain for lunch break dahil one hour lang ang break at hindi sila makabalik sa tinutuluyang apartment. 

Eh sa Chinatown lang ako bumibili which is right behind the court house. Until now ay naalala pa ni Mrs Marcos at madalas ikinukuwento niya sa mga kaibigan kahit nakaharap ako. Roon ko rin nakilala si Atty Liza Araneta Marcos na noon ay dalawa pa ang nag-a-assist sa legal team ni Mrs Marcos. 

Hanggang sa pag-uwi rito sa Pilipinas ay naging part ako ng staff ni Mrs Marcos for few years bago ako pumasok sa mundo ng showbiz. Ang ipinupunto ko rito ay sa USA ako pumasok sa buhay ng mga Marcos  at boluntaryong pinagsilbihan ang famous Philippine First Lady na isa ako sa nagpapatotoo na marami silang nagawa sa panahon nila. 

Sa pagtulong sa kanila ay never akong umasa ng kung anomang gantimpala o kapalit ng serbisyo ko. Maligaya na ako na napagsilbihan sila sa abot ng makakaya ko. Hindi naman ako inobligahan at kasama ako na pumasok sa mundo nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …