INALIS na ang Appointment system sa mga tanggapan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Epektibo ngayong araw ng Martes, 1 Agosto, hindi na kailangang magpa-appointment ang sino mang may transaksiyon sa MECO.
Ito ay matapos alisin ng MECO ang appointment system sa lahat ng serbisyo nito sa Filipino nationals, Taiwanese employers, investors at mga turista.
Kabilang sa magpapatupad nito ang MECO sa Taipei, Taichung, at Kaohsiung, gayondin ang kanilang attached agencies na Migrant Workers Office, Pag-ibig, at SSS.
Layon nitong mapabilis ang pagproseso ng mga dokumento sa MECO.
Inilinaw ng MECO na mananatili ang appointment system para sa passport renewal at pagnonotaryo ng mga dokumento. (GINA GARCIA)