Friday , November 15 2024

Food online delivery ‘lusot’ sa Bilibid

080123 Hataw Frontpage

BINIGYAN ng pahintulot ang persons deprived of liberty (PDLs) na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na maka-order ng pagkain sa pamamagitan ng online delivery applications.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director, General Gregorio Catapang, Jr., maari ito gamit ang laptops na itinalagang gamitin ng PDLs sa ‘e-dalaw.’

Lahat ng idedeliber na order ay ibabagsak sa outpost ng NBP para rekisahin at suriing mabuti bago ipasok at ibigay sa PDLs, para maiwasang makapagpasok ng mga kontrabando.

Binanggit ni Catapang, ang pagrekisa ay upang maiwasan ang mga insidente na naisingit sa food packages ang kontrabando, kabilang ang sigarilyo na ibinaon sa spaghetti, ani Catapang.

Dagdag ng NBP Director, nadiskubre rin ang isang sachet ng shabu  na nakasingit sa idineliber na pagkain.

Inilinaw ni Catapang, hindi nila aalisin ang online delivery applications dahil karapatan ng mga preso na umorder ng pagkain, bilang bahagi ng Mandela prison reform rules.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggalang sa mga karapatan ng mga bilanggo, kabilang ang kanilang mga kagustuhan para sa kanilang katutubong lutuin, tulad ng Chinese o Korean food.

Aniya, nakaaawa ang kalagayan ng mga bilanggo na siksikan sa ngayon kaya binibigyan sila ng kaunting luwag tulad ng pag-order ng pagkain sa labas.

Ang NBP na dapat ay mag-accommodate lamang ng 6,000 preso ay umabot na sa 30,000 sa kasalukuyan.

Nitong nakalipas na linggo, iginiit ni ACT-CIS party-list representative Erwin Tulfo, dapat magsagawa ng inquiry sa mga natatamasang pribilehiyo ng PDLs kabilang ang pagpapadeliber ng fast food sa piitan. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …