Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo, Maine postponed ang honeymoon

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HAPPY birthday sa mahal naming patnugot, Mareng Maricris!

Grabe man ang pinsalang naidulot ni bagyong Egay, as usual ay tuloy-tuloy pa rin ang buhay.

Naganap na nga ang bonggang kasalan nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde sa Baguio City last July 28.

Marami man ang stranded, nahirapang umakyat at sinagupa ang malakas na ulan, hangin at mga pagbaha, nakisaya ang mga kapwa artista, celebrities from other sectors at mga kapamilya ng newly wed couple.

Despite the warning and pakiusap ng both families na huwag mag-post sa socmed ng mga larawan o video ng kasal, mayroong mga pasaway na ginawa pa rin ang pag-post.

Ayon sa aming mga nakausap, hindi nga lahat ng mga imbitado ay pinapunta sa simbahan dahil bawal nga ang mag-over crowd. ‘Yung iba ay nakuntento na lang na sa venue ng reception pumunta, habang may ilan na bumati lang at umalis din dahil na rin sa hindi pa gaanong magandang weather plus iniiwasan nga ang sobrang pagdagsa ng mga tao.

Well, ang importante ay ikinasal na sina Maine at Arjo. Hindi agad sila makakapag-honeymoon dahil may mga commitment pang tatapusin ang dalawa respectively.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …