Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas PM Vargas

Pieta ni Alfred ilalahok sa MMFF; Yasmine hirap na hirap sa pagbubuntis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAPOS na tapos na ang pelikulang ipinrodyus ni Konsehal Alfred Vargas na co-producer ang kapatid niyang si Cong. PM Vargas, ang Pieta,kaya naman naikuwento nito sa isang tsika-tsika kahapon ng tanghali na isusumite nila ito sa Metro Manila Film Festival 2023.

Bukod sa pagiging prodyuser, lead actor si Alfred sa Pieta kasama ang National Artist na si Nora Aunor gayundin sina Gina Alajar at Jaclyn Jose kaya naman gusto niyang makasali ito sa darating na MMFF sa December. 

Ani Alfred, “Sana, sana, makuha kami. Ako ha, feeling ko, makabubuti ito sa Philippine cinema. Sana ‘yung filmfest this year, mayroong Nora, may Vilma (Santos), may Sharon (Cuneta). Sana, sana. Pero of course, wala naman sa atin ang desisyon. Sana, makapasok.”

Labis naman ang paghanga ni Alfred sa asawa niyang si Yasmine sa sakripisyo nito  sa pagbubuntis sa kanilang ikaapat na anak.

Naikuwento ni Alfred kung gaano kaselan ang pagbubuntis ng kanyang asawa dahil sa  Generalized Anxiety Disorder kaya naman kailangan nito ang bed rest sa buong pregnancy.

“Bed rest talaga. She’s only allowed to move 15 minutes a day,”  sabi ni Alfred na sa ikatatlong anak nila pala nila nagsimulaang Generalized Anxiety Disorder nito subalit sa kanilang ikaapat ay mas nahirapan na si Yasmine. 

“Bigla na lang nagpa-panic attack without any trigger, tapos nagpa-palpitate,” sabi pa ng aktor/konsehal.

Kaya naman nasabi ni Alfred na kulang na lang ay sambahin ang asawa dahil sa nakikita niyang sobrang paghihirap nito. 

“Bilib ako sa inyong lahat. ‘Yung hirap na pinagdaraanan ng kababaihan, sobra! ‘Pag nakikita kong nagsa-suffer ang wife ko para lang maalagaan ‘yung nasa sinapupunan, talagang ako, okay lang akong lumuhod para lang sambahin siya,” ani Alfred.

Kaya naman ini-spoil niya ang misis at kung ano ang gusto ay ibinibigay niya agad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …