Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Amy Perez Boy Abunda

Amy napagbintangang murderer ng mga anak 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting kamakailan ni Amy Perez sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niya na takot na takot siya noon kung paano ipaliliwanag sa kanyang mga anak na magkaiba ang kanilang mga tatay.

Dumating pa sa puntong inakala raw ng mga bata na pinatay niya ang dating asawa na ama ng panganay niyang si Adi, kaya wala na ito ngayon.

Si Adi ay anak ni Amy sa unang asawang si Brix Ferraris na bokalista ng South Boarder.

Sabi ni Amy, “Actually hindi ko na siya kinatatakutan kasi natatawa na ako. Kasi ‘yung bunso kong anak, siyempre may Google na ngayon.

“Slowly alam na nila na Adi is their stepbrother, and si Kyle at Isaiah has the same father.” 

Sina Sean Kyle at Isaiah Joaquin naman ay anak ni Amy at ng mister niya ngayong si Carlo Castillo.

Patuloy na kuwento ni Amy, “So dati ‘yun ‘yung fear ko, paano ko ie-explain na magkaiba sila ng tatay? Doon ako unang…‘yun ‘yung unang struggle ko. Pero ngayon, natatawa na lang ako kasi may mga conclusion ‘yung mga bata.

“Sabi ni Isaiah, ‘Mama killed her boyfriend.’ Sabing ganoon! So roon talaga ako natawa. Sabi ko, ‘Who? boyfriend?’”

Nang matuto na raw gumamit ng internet ang mga anak, doon na sila nagkaroon ng idea tungkol sa kanyang buhay at showbiz career.

Kasi kunwari tatanungin nila, ‘Hey Google, who is Amy Perez?’ Doon nila na-discover, eh. In fact ‘yung pagiging artista ko rin, hindi rin alam masyado ng mga bata.

“‘I saw his name. His last name is Ferraris, and I think he’s the dad of Kuya Adi. I think you killed him, mom.’ Sabi ko ‘No! How can you say that?’

“Natatawa na lang ako ngayon kasi kino-compute na nila. Sobrang talino na ng mga bata ngayon,” sey pa ni Amy.

“Even Kyle was saying, ‘How can you have Kuya Adi when you met dad in 2006?’ So in-explain ko rin ‘yon. So I had to be honest. Noong una ‘yun ‘yung fear ko. Pero ngayon, I think lahat ‘yon magbe-break kung magiging honest ka lang.

“May kanya-kanya silang speculation na nakatatawa. Ginawa pa akong murderer. Sabi ko ‘Hindi siya patay anak, buhay siya. Hindi nga lang mahanap natin, pero buhay siya,’” pagbabahagi pa ni Tyang Amy.

Samantala, naibahagi rin ng actress-TV host na ang pinakamatinding pagsubok na hinarap niya sa buhay ay ang relasyon nila ni Brix.

“‘Yung marriage ko from my first husband ang pinaka-lowest point, pinakamahirap na natanggap ko sa buong buhay ko. Dumating ako sa time na isinurender ko na lahat kay Lord. I said, ‘Ayoko na. Wala na.’

“And that was the time na nakilala ko siya (Carlo). And I realized na kapag nagpe-pray ka pala, lahat ng mga ipinagdarasal mo, kahit na paulit-ulit mo siyang ipinagdarasal, hindi ka napapagod and you tell God, ‘Hindi ko na ito kaya bilang tao,’ you pray and ibibigay Niya,’” rebelasyon pa ni Tyang Amy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …