Sunday , December 22 2024
071123 Hataw Frontpage

Gusali gigibain
83 NBI DETAINEES ILILIPAT SA BUREAU OF CORRECTIONS

071123 Hataw Frontpage

ILILIPAT pansamantala sa Bureau of Corrections (BuCor) ang 83 detainees ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil gigibain ang NBI main building kasama ang detention facility sa Maynila upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng bagong gusali.

Pinangunahan nina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., at NBI Director Medardo G. De Lemos ang simpleng seremonya para sa exchange of symbolic key sa BuCor headquarters sa Muntinlupa City.

Lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng BuCor at NBI na papayagan ng una ang paggamit ng mga pasilidad nito at magsisilbing pansamantalang lock-up facility ng mga indibidwal na inaresto ng NBI.

Sa ilalim ng MOA, ang lahat ng taong nakakulong sa nasabing pasilidad ay nasa ilalim ng pananagutan ng NBI alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon ng BuCor, na kinabibilangan ng mga pribilehiyo sa pagbisita na ibibigay ng NBI sa pamilya, kaibigan, at abogado ng mga detenido.

Sinabi ni Catapang, mayroong NBI detainees na dadalo sa mga pagdinig o sasailalim sa medical check-up at kailangan aniya ng wastong koordinasyon dahil daraan sila sa checkpoints.

“The BuCor and NBI are both agencies under the Department of Justice, so we welcome them here,” sabi ni Catapang.

Aniya, bukas-palad ang BuCor na ipagamit maging ang kanilang firing range para sa firearm proficiency training at familiarization ng kanilang mga tauhan.

Pinasalamatan ni Lemos si Catapang para sa akomodasyon upang pansamantalang magamit ang pasilidad sa NBP Building 14 ng NBI detainees habang naghihintay ng resulta ng inquest proceedings at kautusan mula sa korte at paggamit ng kanilang firing range.

Sasagutin ng NBI ang pagbibigay sa kanilang detainees ng karaniwang pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at iba pang probisyon.

Nasa 511 Correction Officers 1 trainees para sa Class 21-2022 ang pormal na turn-over sa Corrections Basic Recruit Course na sasailalim sa anim na buwang training o pagsasanay sa loob ng BuCor.

Sa bahagi ni Catapang, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, nitong 11 Hulyo, ay sinimulan ang pamamahagi ng 10,000 bags ng hygiene kits sa mga persons deprived of liberty (PDLs) at 10 wheelchairs na inisyal na donasyon ng AFP Finance Center Multi-Purpose Cooperative  para sa mga senior PDLs mula sa

maximum security compound sa NBP.  (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …