Friday , November 15 2024
Nicolas Torre QCPD Joshua Abiad Suspect Photo

Sa pananambang sa media photog
RETRATO NG 2 SA 5 SUSPEK ISINAPUBLIKO NA NG QCPD

INILABAS ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko ang larawan ng dalawa sa limang suspek sa pananambang sa photographer ng online media na ikinamatay ng isang batang babae.

Sa pulong balitaan kahapon ng hapon, ipinakita ni QCPD District Director, PBrig. Gen. Nicolas Torre III, ang larawan ng dalawa na kuha sa CCTV.

Ayon kay Torre, ang isa ay ang positibong gunman habang ang isa ay nagsilbing spotter o lookout.

Sinabi ni Torre III, nagpasya ang QCPD na ilabas  ang larawan ng dalawa upang maalerto ang publiko at tumulong sa pagkakakilanlan ng dalawa.

Sa pamamagitan ng larawan, tiyak na makikilala sila ng kanilang mga kaibigan, kaanak o ng iba pa, at malaking tulong ito sa pulisya.

Ayon kay Torre, kilala na rin nila ang tatlo pang suspek pero bago ilabas ang kanilang mga larawan ay nagsasagawa na sila ng malalimang beripikasyon sa pagkakakilanlan ng tatlo.

Dagdag ni Torre, nasa Metro Manila at karatig lalawigan lamang ang mga suspek.

“Kilala na namin silang lahat, kaya mas mabuti pa ay sumuko na sila lalo na’t alam na namin ang kanilang kinaroroonan. Huwag lang silang manlaban…sila ay ikinokonsiderang armed and dangerous,” pahayag ni Torre.

Samantala, tumanggi munang banggitin ni Torre ang motibo sa krimen.

Matatandaan, tinambangan ng mga armadong lalaki ang photographer na si Joshua Abiad, nitong 19 Hunyo 2023 sa harapan ng kanilang bahay sa Ganza St., Barangay Masambong, QC.

Sugatan sa pananambang si Abiad maging ang kanyang kapatid at dalawang pamangking bata.

Makalipas ang ilang araw, 1 Hulyo, namatay ang isa sa mga bata, edad 4-anyos dahil sa tama ng bala.

Patuloy na nagpapagaling sa isang ospital sa Quezon City ang mga biktima. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …