Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricci Rivero Andrea Brillantes Nude Girl

Ricci tikom ang bibig sa babaeng nakahubad na dinatnan ni Andrea

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Ricci Rivero sa Fast Talk With Boy Abunda kamakailan, nilinaw niya na hindi niya babae ang nakita ng ex niyang si Andrea Brillantes sa condo unit niya, na nai-video ng young actress at nagpakalat ng video.

Isinama lang daw iyon ng kaibigan niya na nagpunta sa condo niya. Naghinala lang daw si Andrea.

Kinontra ni Andrea ang pahayag na ito ni Ricci.

Pero iba naman ang ikinuwento ng disc jockey na si DJ Jhai Ho ukol sa panig ni Andrea.

Sa online show kasi nina Jhai Ho, sinabi niya na nag-text siya kay Andrea. Tinanong niya ito kung totoo ba ang mga naging pahayag ni Ricci sa interview ni Boy?

Binasa ni Jhai Ho ang naging sagot sa kanya ni Andrea. Reply sa kanya ng aktres, “LOL. Nakalimutan niya atang sabihin na hubad kong nadatnan ‘yung girl.”

“Hubad sa kwarto niya.

“Tulog siya, ‘di raw nila alam ang nanyari. Lasing sila.

“Hindi niya [Ricci] minention. Marami pa siyang hindi minention.”

Ano kaya ang masasabi ni Ricci sa pambibisto sa kanya ni Andrea, na  hubad nitong naabutan ‘yung girl sa kanyang kwarto?

Sumagot pa kaya si Ricci? O mananatiling tikom na lang ang bibig sa rebelasyon na ito ni Andrea?

Naku, siguradong makatatanggap na naman ng pamba-bash si Ricci lalo na sa mga tagahanga ni Andrea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …