Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Billy Crawford

Pagkahulog ng katawan ni Billy pinagdudahan

MA at PA
ni Rommel Placente

MAPAYAT ngayon si Billy Crawford at aware siya na pinagdududahan siya ng iba na gumagamit ng drugs kaya nagkaganoon ang kanyang pangangatawan.

Pero depensa ni Billy ayon sa interview sa kanya ng Pep.ph“Ang daming nagsasabi na ‘adik’ or whatever. 

“Una sa lahat, it’s unfair para sabihin sa isang tao kung sino sila and I don’t do drugs.

“Pangalawa, I stopped alcohol for the past six years.” 

Aminado naman si Billy na madalas siyang umiinon noon.

“Alcoholic po ako noon, and yes, kaya ho ako nag-230 pounds. Hindi ho healthy ‘yon.

“So I started to lose weight from that time. Tumigil talaga akong mag-alchohol at tuloy-tuloy lang siya, hindi na ako bumalik sa alcohol. As in, zero alcohol.

“Hindi na ako nagyoyosi, wala akong bisyo.”

Sa patuloy niyang pagpayat, ito ba ay personal o intensiyonal na kagustuhan niya?

“Actually, simula nong nag-‘Dancing With The Stars.’”

Ang Dancing With The Stars o Danse Avec Les Stars ang dancing competition sa France na pinagwagian ni Billy at ang kapareha niya, nong November 2022.

“And alam niyo, actually, paulit-ulit. Paulit-ulit akong nagpapaliwanag kasi sobrang dami ng nagsasalita on my behalf.”

Sinabi pa ni Billy na mula noon ay naging consistent na siya sa kanyang healthy lifestyle.

Ngayon I’m super, super healthy. I couldn’t ask for more.

“Siguro kung alcoholic pa ako, baka patay na ako,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …