Sunday , December 22 2024

Dahil sa pagtitiwala ng QCitizen sa QCPD, P5.9M shabu nakompiska

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

TAMA po ang inyong nabasa, nakakompiska ng P5.9 milyong halaga ng shabu kamakailan ang Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na isinagawang drug operation sa lungsod.

At, nangyari ang lahat dahil sa tulong o pakikiisa ng QCitizen sa kampanya ng QCPD na pinamumunuan ni Police Brig. Gen. Nicolas Torre III bilang District Director, laban sa ilegal na droga katulad ng shabu.

Pakikiisa ng QCitizens? Yes, tama po… dahil sa pagbibigay ng impormasyon ng QCitizen hinggil sa operasyon ng tulakan ng ilegal na droga sa ilang bahagi ng lungsod, nadakip at nakompiskahan ng milyones na halaga ng shabu ang mga salarin.

Kung magkagayon, isa lang ang nakikita natin dito. Malaki ang tiwala ng QCitizens ngayon sa QCPD kaya, tumutulong sila sa pagsugpo ng pagkakalat ng droga sa lungsod.

Malaki ang tiwala ng QCitizens ngayon sa QCPD dahil nakita nila ang sinseridad ngayon ng pulisya sa pagsugpo ng mga krimen at droga sa lungsod. Nakita at napatunayan nila kung gaano kaseryoso sa paglilingkod sa kanila si Torre sampu ng bumubuo ng QCPD lalo sa pagpapatupad sa 3-minutes crime response.

Patunay na malaki ang tiwala ng QCitizens sa QCPD ay ang kamakailan na masasabing matagumpay na drug operation ng pulisya sa tulong ng “tip” ng QCitizen na umaabot sa halagang P5.9 milyon shabu ang nadiskubre.

Sa magkahiwalay na anti-drug operation nitong 29 Hunyo (2023) ayon kay Torre, apat na drug suspects ang nadakip ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at Kamuning Police Station (PS 10) sa lungsod.

Sa dalawang operasyon, take note ha…hindi pipitsugin ang mga nadakip dahil milyong halaga ng shabu ang nakompiska. Ibig sabihin, mabuti na lamang at naging matagumpay ang operasyon dahil kung hindi…

At higit sa lahat, tiwala ang QCitizen sa QCPD na…by all means ay kukunin nila ang mga suspek at tuluyang sasampahan ng kaso at ikakarsel.

Sa operasyon ng DDEU sa pamumuno ni  P/MAJ. Hector H. Ortencio, nadakip si Ralph Jhon Clements, residente sa Novaliches, Quezon City. Siya ay nadakip sa Metro Green Village, Brgy. San Bartolome, Novaliches, QC sa ikinasang buybust operation sa pangunguna ni DDEU Asst. Chief, P/MAJ. Wennie Ann A. Cale makaraang makompiskahan ng P40,000 halaga ng shabu na kanyang iniabot sa pulis na nagpanggap na buyer. Bukod dito, nakuha sa suspek ang 325 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,210,000 na nakalagay sa isang eco bag.

Heto ang maganda, ang pagkakahuli sa suspek ay dahil sa impormasyong “tip” ng QCitizen sa QCPD.

Sa buybust operation naman ng Kamuning Police Station 10 na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Robert Amoranto, tatlong drug suspects ang nadakip sa Anapolis St., near corner Ermin Garcia Ave., Brgy. E. Rodriguez, Quezon City makaraang makompiskahan ng P340,000.

Heto pa, dahil na naman sa tip-off o pakikiisa ng QCitizen, halagang P3.4 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng Talipapa Police Station 3.

Makaraang makatanggap ng impormasyon ang PS 3 sa QCitizen, hinggil sa aktibidades ni Ariel Dagsindal ng Paete, Laguna, agad iniutos ni P/Lt. Col. Mark Janis Ballesteros, hepe ng PS 3, ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek sa Quirino Highway, Brgy. Talipapa, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon mula sa QCitizen ang PS 3 mula sa isang guwardiya ng isang fast food chain kaugnay sa presensya ng suspek na paikot-ikot sa kainan at kahinahinala ang mga ikinikilos.

Agad itong nirespondehan ng pulisya…sa loob ng 3-minuto ay nasa establisimiyento na ang mga operatiba at sinita ang suspek…at nang beripikain ang laman ng dala-dala nitong plastic bag. Hayun, tumambad sa operatiba ang 500 gramo ng  shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.

Ayon kay Torre, ang mga nadakip sa magkakahiwalay na drug operation ay kinasuhan ng paglabag sa  R.A. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“Binabati ko ang mga operatives sa kanilang patuloy na operasyon laban sa ilegal na droga. Ito ay malaking kontribusyon upang mapanatili nating ligtas at payapa ang lungsod Quezon,” pahayag ni P/BGen.  Torre III.

Ipinaabot din ni Torre ang kanyang pagsasalamat sa QCitizen sa pagsuporta at pakikiisa sa kampanya ng QCPD laban sa ilegal na droga.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …