PUSH NA ‘YAN
ni Ambet Nabus
HINDI naman kataka-takang bigyan ng royal treatment si Atasha Muhlach, only daughter nina Aga at Charlene Muhlach.
Ang very smart and beautiful London, UK graduate ang newest addition sa growing talents ng Viva Artists Agency.
Sa launching sa media, present ang buong pamilya del Rosario sa pangunguna ni boss Vic, kasama ang mga anak na sina Vincent, Veronique, Val, at Verb, na mga big boss din ng respective Viva subsidiaries na may negosyo sa music, movies,TV, online media, streaming apps, restaurants, concerts, at iba pang labels, brands o medium.
Very humble si Atasha at hindi mo mababakas ang kaartehan ng isang nag-aral at tumira sa London. Walang ‘twang” and yet, napaka-articulate nito at very honest sa pagsasabing pinag-aaralan pa rin niyang maging matatas sa Tagalog.
Future beauty queen ang peg ni Atasha though for now, gusto muna niyang mag-establish with the help and support of Viva bilang isang host, singer and actress.