Monday , October 2 2023
Katol

Pabrika sinalakay ng CIDG
PHP 4 MILYON HALAGA NG MAPANGANIB AT NAKAMAMATAY NA KATOL, NAKUMPISKA; 4 ARESTADO 

Muling umiskor ang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 katuwang ang CIDG Bulacan PFU at mga kinatawan mula sa Food and Drug Administration (FDA) matapos makasamsam na naman ng Php4,000,000.00 halaga ng mga hindi nakarehistrong katol na “Wawang” at pagkaaresto ng apat na suspek sa ikinasang  buybust operation sa Pandi Industrial Park, Brgy Cupang, Pandi, Bulacan.

Kinilala ni CIDG Director, PMGeneral Romeo M Caramat Jr. ang mga suspek na sina  Michael Wu Shi, 41, may-ari, (Filipino); Yanfen Guo, 35, manager (Chinese); Guangkun Lin, 40, assistant manager (Chinese); at Febe Joy Fajardo Al-Rawahi, 39,  secretary (Filipino). 

Ang mga suspek ay naaktuhan ng mga awtoridad sa aktong namamahala at nangangasiwa sa produksiyon ng mga nasabing katol na hindi nakarehistro sa FDA kaya may dalang panganib at maaaring ikamatay pa ng mga taong gagamit nito.

Sa naging pahayag ni CIDG Director PM General Caramat Jr. na; “During the operation, sinubukan ng ating undercover na pulis na bumili ng mosquito coil ngunit naramdaman ni Shi na nakikipag-ugnayan sila sa mga pulis. Gayunpaman, dahil nakita at na-obserbahan ng atring operatiba ang aktuwal na produksyo nito in plain view naging dahilan ito para sa iba pang miyembro ng joint operating team na magsagawa ng on-the-spot inspection. Doon ay napatunayan mula sa kinatawan ng FDA na walang lisensya para mag-operate ang nasabing business establishment”

Nakumpiska sa mga arestadong suspek ang 190 malalaking kahon ng finished products ng mosquito coil, raw materials, at electric machine na tinatayang ang halaga ay aabot sa Php4 million.

Kasabay nito ay nai-rescue ng operating teams ang 21 underpaid na mga empleyadong Filipino na isinailalim sa kustodiya ng barangay councilor ng Brgy. Cupang, Pandi, Bulacan.

Ang mga arestadong suspek at mga nakumpiskang piraso ng ebidensiya ay dinala sa CIDG RFU3 office para sa dokumentasyon at angkop na disposisyon habang kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) at Art. 18 of RA 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang inihahanda na laban sa mga naaresto.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …