Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Deborah Sun Snooky Serna Ara Mina Aiko Melendez

Deborah sobra-sobra ang pasasalamat kina Ara at Aiko

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Deborah Sun sa YouTube channel ni Snooky Serna, sinabi niyang labis-labis ang pasasalamat niya kay Ara Mina dahil libre siyang pinatira sa condo unit nito.

Sabi ni Deborah, “Talagang siya mismo nag-offer sa akin niyan. Kung tututusin, hindi ko naging barkada, hindi ko kaedad si Ara Mina.

“Pero noong malaman niya ang sitwasyon ng buhay ko, na kami mag-iina, ano siya, tinulungan niya kami.

“Up to now, nakatira ako sa isang unit niya riyan sa Cubao for seven years.

“Ara Mina, thank you so much. For seven years, wala akong binabayaran talaga sa upa… big help. Sobra, lalo wala akong trabaho.”

Bukod pa rito, ay nagpapadala rin daw si Ara ng grocery items kay Deborah.

Ang isa pa sa tumutulong kay Deborah ay si Aiko Melendez, na half-sibling ang isang anak ni Deborah na si Jam Melendez.

Si Jam ay anak ng namayapang aktor na si Jimi Melendez, na tatay din ni Aiko.

Sabi ni Deborah tiungkol kay Aiko, “Talagang provided niya lahat ‘yung mga pagdating sa medical, pang-doktor, Pasko, Bagong Taon.

“I’m very thankful din kay Aiko dahil hindi niya pinababayaan ‘yung kapatid niya sa akin. I mean, ‘di ba, it’s a blessing.”

For the record, si Deborah ay nakilala noong late ’70s at ’80s. Ilan sa mga tumatak niyang pagganap ay sa pelikulang Bedspacers (1979), Temptation Island (1980), at Pakawalan Mo Ako (1981).

Subalit dahil nalulong sa masamang bisyo noon, nagsimulang tumamlay ang career ni Deborah. Inamin niyang hanggang ngayon ay ito pa rin ang reputasyon niya sa iba.

Alam ko marami may ayaw sa akin, lalo na sa pinagdaanan ko…

“Iniisip na nagda-drugs pa ako. Masakit dahil hindi na naalis sa isip nila, sa utak nila…

“Kaya nga wala akong project dahil doon, eh. ‘Yun na nakatatak na sa utak nila.”

Ang lahat naman ng tao ay nagbabago, at isa si Deborah sa mga nagbago na. Hindi na siya lulong sa drugs. Kaya sana ay bigyan pa siya ng pagkakataon sa showbiz. Bigyan pa sana siya ng second chance.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …