Wednesday , November 12 2025
Marco Gumabao Deadly Love

Marco Gumabao patay na patay sa pag-Ibig

ni Allan Sancon

MATAPOS ang matagumpay na youth-oriented Viva One Original Series na The Rain in España na palabas pa sa Viva One hanggang ngayon, muli na naman silang maglalabas ng panibagong series, ang Deadly Love. Isang suspense-thriller series na pinagbibidahan ng award winning actress na si Jaclyn Jose kasama sina Louise Delos Reyes, Mccoy de Leon, Marco Gumabao at marami pang iba.

Natanong sa media launch kung may karanasan na ba ang cast members sa kanilang buhay pag-ibig na maituturing nilang deadly love.

“Oo nakaranas na ako ng deadly love, nakatatakot na kabanata sa buhay ko, deadly love talaga. But everything was gone, matagal na panahon na ang nakalipas but it was happened to me, naka-recover na ako riyan,” kuwento ni Ms. Jaclyn.

“Sa akin naman na-experienced ko rin pero hindi naman deadly para sa kin, pero alam mo ‘yung ibinigay mo ‘yung lahat, ‘yung time ko, ‘yung effort ko, pati katawan ko, joke lang. ‘Pag nagmahal kasi ako todo-todo, nagiging deadly lang siya kapag nabigo ako,” saad naman ni Mccoy.

Sa akin naman, siguro halos kalahati ng mga press dito ay alam kung ano ang napagdaanan ng lovelife ko noon pa. Siguro hindi naman siya ‘yung super deadly pero darating sa point na parang gusto mo nang mamatay parang ganoong klaseng deadly love. Pero mahal ko naman ‘yung buhay at ang career ko kaya naka-recover naman ako at marami akong natutunan sa past experienced ko na ‘yun,” pagbabahagi ni Louise

“Sa totoo lang wala  pa naman akong toxic or deadly love relationship, swerte! Swerte ko lang na hindi umaabot sa ganoon. Pero patay na patay na love mayroon,” sabi naman ni Marco.

Magsisimula nang ipalabas ngayong July 10, 2023 sa Viva One ang kaabang-abang na suspense-thriller series na Deadly Love directed by Derick Cabrido.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …