Saturday , December 21 2024
NBA Miami Heat Denver Nuggets Boston Celtics LA Lakers

Online engagement ng NBA Enthusiasts sa 4 NBA Teams sinukat

ISANG prominenteng organisasyon ang National Basketball Association (NBA), binubuo ng 30 professional basketball teams sa North America at itinuturing na pangunahing men’s professional basketball league worldwide.

Bilang isang well-respected at globally renowned sports brand, nakaestabilisa ang NBA ng malawak na social media presence at ngayo’y may pinakamaraming followers, partikular sa Facebook, base sa 7-day research study ng Capstone-Intel Corporation.

Ang Capstone-Intel ay isang “high impact research company which uses innovative research technologies, tools and methods to convert data and information into breakthrough insights and actionable intelligence outputs.”

Layon nitong tulungan ang kanilang mga kliyenteng solusyonan ang mga problema, mapalawak ang kanilang negosyo at mga kontak, mapaganda ang reputasyon, mabawasan ang mga panganib at maiwasan ang krisis; at maging leading private research and intelligence agency sa bansa.

Target ng research na isinagawa nitong 16-22 Mayo 2023 ang makapagbigay ng komprehensibong pang-unawa sa fan behavior sa sports industry gamit ang Facebook bilang platform for analysis.

Tampok sa NBA Finals ang highest-ranking teams na inantabayanan ng general public, kabilang ang Boston Celtics, Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, at Miami Heat. Ang pagsubaybay sa teams ay ibinase sa Facebook data mula sa Philippines, gamit ang keyword analysis ng basketball team names upang masukat ang Facebook performance. At napatunayan ang malaking interes ng mga Filipino sa basketball bilang primary sport sa bansa at patuloy ang pagdami ng mga tumatangkilik dito.

Nagsagawa rin ng sentiment analysis base sa reactions, channels/influencers, at word clouds upang matukoy ang popularidad ng teams. Gumamit ng graphical elements kabilang ang charts at graphs, upang maipresenta at maanalisa ang numerical data, functions at qualitative structures “in a visually concise and clear manner” upang maintindihan ng publiko kung bakit usap-usapan ang 2023 NBA Finals.

Sa mas malawak na pag-aanalisa ng Capstone-Intel website comparison sa pagitan ng 24 Abril at 21 May 2023, lumabas na ang pages and subpages sa nba.com featuring keywords Miami Heat, Boston Celtics, Los Angeles Lakers, at Denver Nuggets ay nakakuha ng total 6,577 visits. Ang Miami Heat ang most visits, kasunod ang Denver, Boston, at Los Angeles Lakers.

Pinatotohanan ang naturang pag-aaral ng primary sources gaya ng GMA News, GMA Sports PH, One Sports, ClutchPoints, NBA Buzz, at iba pang credible sources na nagpakita ng current trends sa partikular na NBA team. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …