AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
DESPERADO na, lalo pang naging desperado ang grupo ng sindikato ng droga na nais sumira sa magandang imahen ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) na pinamumunuan ni J/Supt. Michelle Bonto bilang Warden.
Katunayan, hindi lingid sa kaalaman ng sindikato na hirap na silang makapasok sa QCJMD simula nang maupo si Bonto dahil sa dedikasyon ni Bonto sa kampanya nito laban sa ilegal na droga… at siyempre, gayondin sa kanyang mga personnel.
Sa kabila ng pagkadurog ni Bonto, kasama ang kanyang mga opisyal at tauhan, sa sindikato sa loob ng piitan, sinisikap pa rin ng grupo na magpasok ng droga sa loob pero lagi silang bigo makaraang maharang agad sa entrada ng kulungan ang mga nagtatangkang magpapasok ng droga na mga tauhan ng sindikato.
At heto nga nitong 3 Hunyo 2023, binigo na naman ng “Team Bonto” ang sindikato ng droga sa tangkang pagpasok ng droga sa piitan. Hindi nagawang makalusot ng ipinadalang drug mule ng sindikato na si Ramon Dela Peña.
Use your imagination ha…pagpasok ni Dela Peña sa piitan makaraang magpanggap na dalaw. Hinarang siya sa entrada ng piitan para sa isang matinding body search upang matiyak na walang makalulusot na ano man kontrabando sa piitan.
Pinangunahan ni JO1 Ariel Milagrosa ang body searching kay Dela Peña. Lahat ng bukas ng katawan na maaaring pagtaguan ng droga ay ikinonsidera…at hayun, nang patuwarin si Dela Pena ay nabuko ang nakapaloob na droga sa kanyang tumbong (anus).
Tama ang inyong nabasa, nakapaloob sa kanyang tumbong ang 56 gramo ng pinatuyong damo ng marijuana hush at inilagay sa condom. Ayos, tinurbo si Dela Peña. Siyempre, condom ang ginamit para madulas at madaling maipasok sa tumbong ng suspek. Sarap…hehehe.
In short, kahit na anong klaseng estilo o paraan ng pagpasok ng droga sa piitan ay hindi makalulusot sa Team Bonto. Kaya nang mabuko ang droga o ‘damo’ na nagkakahalaga ng P67,200 street value pero kung nakalusot ito sa QCJMD hindi lang ito ang halaga.
Ganyan kaalerto ang Team Bonto laban sa ilegal na droga bilang suporta sa patuloy na gera ni Pangulong Marcos, Jr., laban sa ilegal na droga at suporta, sa direktiba ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Acting Chief Gen. Ruel Rivera at BJMP National Capital Region Office Chief, J/Chief Supt. Efren Nemenio.
Dahil sa patuloy at mahigpit na kampanya ni Bonto laban sa ilegal na droga at namamantina ang magandang imahen ng piitan, nananatling drug-free ang QCJMD.
Supt. Bonto, sampu ng mga personnel mo, saludo ang bayan sa inyo. Keep up the good work…at sa mga sindikato naman. Ano!? Bigo na naman kayo!