Friday , November 15 2024

Asawa ni Makati Mayor Binay mapupuruhan sa paglilipat ng 10 barangay sa Taguig

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KAYA pala ganoon na lang ang pagmamatigas ni Makati City Mayor Abby Binay na hindi kilalanin ang kautusan ng Korte Suprema ukol sa final and executory decision na ang Bonifacio Global City (BGC) at 10 barangay ay nasa hurisdiksiyon ng Taguig City dahil ang ililipat na mga barangay ay baluwarte ng kanyang asawa na si Makati Second District Rep. Luis Jose Campos, Jr.

Ang sakop ng ikalawang distrito ng Makati na kinatawan ni Campos ay 13 barangay, kabilang dito ang Cembo, Comembo, East Rembo, Guadalupe Nuevo, Guadalupe Viejo, Pembo, Pinagkaisahan, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, Rizal, South Cembo, at West Rembo.

Sa nabanggit na 13 barangay, 10 rito ang iniutos ng Korte Suprema na ilipat sa hurisdiksiyon ng Taguig, kasama rito ang Cembo, Comembo, East Rembo, Pembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, Rizal, South Cembo, at West Rembo.

Sa pagdedesisyon sa territorial dispute sinabi ng Supreme Court sa 36 pahinang desisyon nito na “best interest” ng mga constituents ang isinaalang-alang.

“It would thus be an abdication of Our duty if We would not look into all facets of the present dispute in coming up with a judicious adjudication of Makati and Taguig’s conflicting factual claims. We have to resolve, with finality, the territorial dispute that has gripped both cities for decades, bearing in mind the best interest of the constituents of the affected government units,” nakasaad sa desisyon ng SC.

Malinaw na hindi interes ng mga Binay ang ikinonsidera ng Supreme Court kaya hindi dapat magmatigas si Mayor Binay na hindi sundin ang kautusan.

Nakalulungkot na isinasangkalan ni Mayor Binay ang mga benepisyong nakukuha ng mga residente sa Makati para tutulan din ng mga residente ang nakatakdang paglipat sa Taguig.

Ipinalabas ni Mayor Binay na hindi pa tapos ang laban sa dispute dahil mayroong itinakdang oral argument ang SC para sa kaso ng Taguig at Makati na ang katotohanan ay wala, malinaw nang itinaggi ni SC Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka na may ganitong ipinalabas na kautusan ang kataastaasang hukuman.

Isa na namang pagsisinungaling ito sa panig ng mga Binay.

Sana po ay huwag na natin linlangin ang mga residente ng Makati. Tila maging ang SC ay ginagamit sa propaganda.

Kapag ang Supreme Court ay nag-isyu ng final ruling, “it becomes the law of the land”- nagiging batas na kailangan sundin ng kahit sino. Ang hindi sumunud dito ay maaaring kasohan ng contempt of court na may karampatang parusang multa at pagkakakulong.

Ang aksiyon ni Mayor Binay na paulit ulit na pagsasabing tuloy ang laban ng Makati sa territorial dispute sa kabila na mayroon nang final and executory ruling ang SC ay malinaw na paglabag sa batas, dahil sa ginagawa ng alkalde ay maaaaring mawala sa kanya ang support at “public trust” na mahalaga sa isang opisyal ng pamahalaan.

Lubhang mahalaga na ang lahat ng public official ay sumusunod sa batas at iginagalang ang desisyon ng judicial system.

Ang 30-taon territorial dispute ng Makati at Taguig ay tinuldukan ng SC at itinakda na ang kinukuwestiyong teritoryo ay nasa legal na hurisdiksiyon ng Taguig base sa historical evidence, cadastral survey, at contemporaneous acts of lawful authorities o mga pangyayari noong nakaraan.

Sinabi ni SC Spokesman Hosaka na nagkaroon na ng Entry of Judgement sa Civil case No 63896 na ang anumang tangka ng Makati City na buhayin ang territorial dispute sa pamamagitan ng paghahain ng anumang pleadings, letters, motion o anomang komunikasyon kaugnay sa kaso ay hindi na tatanggapin ng Korte Suprema.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …