Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nika Juris Nicolas Chess

10-anyos nene natatanging unang babaeng chess national master

ISANG batang chess prodigy, nagngangalang Nika Juris Nicolas mula sa Pasig City ang gumawa ng kasaysayan sa chess.

Sa edad na 10-anyos, nabigyan si Nika ng titulong National Master ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) nitong 9 Hunyo 2023.

Nag-iisang babaeng kalahok sa Boys Under 11 Division ng National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals, ginanap sa Dapitan City, Zamboanga del Norte mula 2 Hunyo hanggang 9 Hunyo, nagawa ni Nika na magwagi ng mga medalya sa lahat ng kategorya, kabilang ang isang pilak sa Standard, isang pilak sa Blitz, at isang tanso sa Rapid.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakamit ni Nika ang kahanga-hangang tagumpay sa chess.

Nagkampeon na siya sa Under 11 Boys Division ng NCFP National Eliminations sa parehong event na ginanap sa Himamaylan City, Negros Occidental noong 24-27 Marso 2023.

Marami ang nagsabing kapansin-pansin ang kanyang pambihirang pagganap sa boys’ division, at nakuha na niya ang kanyang lugar sa kasaysayan ng chess sa Filipinas bilang kauna-unahan at nag-iisang National Master na batang babae.

Bihira sa mga babaeng naglalaro ng chess ang makipagkompetensiya sa mga Open Division dahil ang karaniwan ay paglahok sa hiwalay na dibisyon para sa kababaihan.

Sa katunayan, ang World Chess Federation (FIDE) ay nagpapanatili ng magkakahiwalay na mga titulo para sa mga lalaki (open category), tulad ng Grandmaster, International Master, FIDE Master, at Candidate Master, na lahat ay nangangailangan ng mas mataas na FIDE rating threshold kompara sa mga babaeng katumbas.

Ang mga katotohanang ito ay naglalantad sa mga umiiral na disparidad ng kasarian sa larangan ng chess. Ang makasaysayang tagumpay ni Nika bilang kauna-unahan at nag-iisang Babaeng Pambansang Master sa Filipinas ay sumisira sa mga hadlang sa lipunan at hinahamon ang karaniwang paniwala ng pangingibabaw ng lalaki sa chess.

Nakatakdang sumabak si Nika sa ASEAN Age Group Chess Championships sa Bangkok, Thailand na nakatakda sa 17-27 Hunyo 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …