MA at PA
ni Rommel Placente
NAGBALIK sa bansa ang South Korean Superstar na si Lee Seung-Gi. Dumating siya noong Friday, May 26, sakay ng private plane ni former Ilocos Sur governor Chavit Singson.
Si Gov. Chavit kasi ang nag-imbita kay Lee para sa ilang projects na gagawin nito sa ‘Pinas. Kaya isa rin siya sa mga sumalubong sa pagdating ni Lee.
Kaya nasa bansa uli si Lee Seung-Gi ay para sa kanyang Asia Tour concert:The Dreamers Dream Chapter 2, na ginanap noong May 27, Sabado ng gabi, sa New Frontier.
Bukod sa concert, sinabi ni Gov. Chavit na isa si Lee sa investors ng itatayo niyang negosyo under LCS Group of Company.
“Magtatayo kami ng Little Seoul dito sa Metro Manila, mga building, mga center. Doon sa Metrowalk. Parang Little Korea pero tatawagin nating Little Seoul,” sabi ni dating gobernardor Chavit, nang makausap namin habang hinihintay ang pagdating ni Lee.
Patuloy niya, “Mag-uumpisa pa lang. Baka abutin ‘yan ng 2 to 3 years. Ito ipa-finalize na. Hopefully magkapirmahan na pagpunta rito kasama ang mga kasama niyang investors.”
Bukod dito, plano rin ni Gov. Chavit na mag-produce ng pelikula para kay Lee at magkaroon ng musical career dito sa Pilipinas.
Sa mini-presscon, sinabi ni Lee na nag-enjoy siya during his stay sa Vigan last March.
“I visited Vigan and I found it a beautiful city. Someday we would like to film a series there.
“I was there for travel the last time and I really liked it. I was surprised that a lot of Filipinos recognized me, and I really enjoy that moment.”
Welcome rin ang idea kay Lee na makagawa ng Korean shows sa ‘Pinas at makapag-release ng kanta in the near future.
“If there’s a chance, I’m keen to maybe release a song in Filipino. I really think if we can create Korean shows in the Philippines, it’s gonna be awesome,” aniya pa.