Sunday , December 22 2024
Dindo Caraig Merly Peregrino Clark Samartino

Mommy Merly ng Abot Kamay may mensahe kay Clark—malinis ang konsensiya ko, hindi ko siya inagrabyado

MA at PA
ni Rommel Placente

TALL, dark and handsome ang alaga ni Mommy Merly Peregrino na si Dindo Caraig, na isang aktor at singer. Ang una niyang single ay may pamagat na Ikaw at Ako.

Sobrang saya si Dindo na natupad na ang pangarap niya na maging isang recording artist.

Grabe! Araw-araw, gabi-gabi, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nangyayari ito sa akin, ‘yung mga magagandang nangyayari sa akin ngayon. Dati, ang gusto ko lang ay mag-focus sa pag-arte, pero ngayon, isa na rin akong singer,” sabi ni Dindo.

Siyempre pa, malaki ang pasasalamat ni Dindo kay Mommy Merly, na tumatayong manager niya ngayon, na talagang all-out ang ipinakikitanh suporta sa kanyang singing and acting careeer.

Ikinuwento ni Dindo na nakilala niya si Mommy Merly noong magpunta siya sa burol ng namayapang anak nito.

Ako po kasi nakikitira lang sa dati kong ka-trabaho. Nag-aalaga po ako ng bata. Tapos noong nagpunta nga po ako sa burol, sabi sa akin ni tita Merly, ‘Gusto mo pag-aralin kita? Rito ka na lang  tumira.’ Nagulat po ako dahil kakakilala lang niya sa akin, tapos ganoon agad ang sasabihin niya sa akin.  Doon na po nagsimula ang lahat,”

Samantala, sinagot ni Mommy Merly ang isang paratang sa kanya ng dati niyang alaga na si Clark Samartino, na noong gumawa raw ito ng pelikula ay wala naman itong kinita. Na parang pinalalabas na hindi ibinigay sa kanya ni Mommy Merly ang talent fee niya.

 “Sa tingin ninyo ba, kaya kong gawin ‘yun” natatawang simulang sagot ni mommy Merly.

“Alam ninyo, hindi ako marunong mag-agrabyado ng tao, ni minsan.

“Ako po ay nagkaroon ng charity foundation, ang Team Abot Kamay kasi gusto kong marami ang matulungan. Hindi ako nagtayo ng charity foundation para mag-agrabyado ng tao.

“Ngayon kung ako ay sira-siraan pagkatapos ng magagandang ginawa ko sa kanya,ang Diyos na ang bahala. Hindi naman natutulog ang Diyos, eh.

Tayong mga tao, pwedeng magsinungaling sa kapwa tao natin. Pero sa Diyos hindi tayo pwedeng magsinungaling. Doon lang ako naka-focus sa nasa Itaas.

“Sige,siraan mo ako, karapatan mo ‘yan, ‘di ba? Kung saan sila masaya, okey lang,”

Tungkol naman sa isyung nasasakal niya na si Clark at pinakikialaman na raw niya ang personal na buhay nito, ang sagot naman ni Mommy Merly, “Unang-una hindi ko siya kilala. May nagpakilala lang sa kanya sa akin na gusto niyang tulungan ko siya.

“Nag-chat siya sa akin. Sabi ko kung interesado ka na magpatulong sa akin, pumunta ka sa bahay ko ng May 14. That time, nandoon sa bahay sina Schzana Laparan at Jerome Ponce.

“Noong nagkausap na kami, ang kuwento niya sa akin, sana raw ay matulungan ko siya dahil marami siyang pangarap na naudlot.

“Sabi niya, ‘marami akong naging manager na pinagsamantalahan lang ako.’ Pinerahan lang daw siya. Ginamit lang daw siya, pero ni singkong duling daw ay hindi siya binibigyan.

“Tapos noong nakilala raw niya si Keanna Reeves, akala niya ay matutulungan siya. Pero nagkamali raw siya. Sakal na sakal daw siya kay Keanna, to the point na pati raw mga magulang niya, at mga kapatid niya, eh ayaw ipakausap sa kanya. Kaya tumakas daw siya kay Keanna. 

“Pati social media accounts niya, binura niya, para maiwasan na raw niya si Keanna. 

Siyempre sa kuwento niya, naniwala ako sa kanya.

“Eh ako naman si tanga, pusong mamon, maawain, tinulungan ko siya.

“Tapos ngayon kung ano-ano pang sinasabi niya laban sa akin. Sa akin naman siya nasasakal. Hahaha!,” natatawang sabi pa ni mommy Merly.

“Basta ako malinis ang konsensiya ko, hindi ko siya inagrabyado. 

Ang Diyos ang nakaaalam, na wala akong ginawang masama sa kanya,” giit pa ni mommy Merly.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …