Thursday , May 2 2024
Yasuiten Modas Jacquelyne Uno Hitoshi Uno

Online store na Yasuiten Modas ni Jacquelyne Uno, patok sa Japan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG masipag at mabait na online seller na si Jacquelyne Uno ang isa sa nakilala namin sa pagbisita sa Japan recently.

Siya ay 27 years nang naninirahan sa Japan, a mother of six, at nakaka-aliw panoorin sa kanyang online selling sa Japan.  

Taong 2008 nagsimula sa online selling si Ms. Jaq at almost everyday ng 8 ng gabi kadalasan siyang nagla-live.

Saan-saan nanggagaling ang customers niya at mga ibinebenta niya at ano ang items ang mabili or best sellers?

“All around Japan and the Philippines nanggagaling ang mga ibinebenta ko. Ang best sellers ko naman ay pre-loved original branded handbags,” sambit niya.

Murang-mura nga ang presyo nito na usually ang price range ng mga ito ay mula P250 to P2,000 lang.

Bago ito, ano ang mga pinagkakaabalahan niyang work or business?

Esplika ni Ms. Jaq, “Party decorations, wedding planner, home made bread and pastries, then nag-live selling na nga ako.”

Bukod sa mga murang-murang pre-loved branded items, kaabang-abang din sa live selling ni Ms. Jaq ang kanyang unique na comedy live selling.

Paano niya ito ginagawa?

 Pahayag ni Ms. Jaq, “Bale, nagpapatawa po ako habang nagla-live selling, para hindi po bored iyong mga nanonood or namimili sa akin.”

Paano ang sistema ng shipping sa ‘Pinas, kapag may bumili sa kanya? At mga ilang araw po bale ito?

“Gumagamit po kami ng Japan post, puwede ems or by sea para makatipid sa shipping fee, kaya lang matatagalan ang dating pero mayroon po iyong uso ngayon na ang tawag-Pabitbit. Ang ems is mga one week ang by sea po is 2-3 weeks,” tugon ni Ms. Jaq.

Ang husband niyang Japanese-Brazilian na si Hitoshi Uno, gaano ka-supportive sa kanyang online selling business?

“Super-supportive at napakabait po ng asawa ko,” nakangiting sambit pa ni Ms. Jaq.

About Nonie Nicasio

Check Also

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Mr DIY Holi-DIY Spend and Win raffle promo Winners

Mr.DIY awards grand prize winner of the Holi-DIY Spend and Win raffle promo

MR.DIY, the go-to destination for big and small home improvement Familyhan needs, in partnership with …

Gary Valenciano

Gary apaw pa rin ang energy sa huling concert

KAYANG-KAYA pa rin ni Gary Valenciano ang mahabang concert na umaapaw pa rin ang energy mula simula …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …