MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI pabor si Manilyn Reynes sa naging pahayag ni Liza Soberano sa isang interbyu niya na sinabi niya na, “In the Philippines, the only way to become a big star really, if you’re not a singer, you’re an actor, is to be in a love team.”
Para kay Manilyn, magagawa ng isang artista na sumikat ng walang loveteam partner.
“Disagree!” sabi ni Manilyn nang tanungin siya ni Boy Abunda sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abundanitong Miyerkoles ng hapon, tungkol sa kontrobersiyal na deklarasyon ni Liza.
Patuloy ni Manilyn, “Certainly, kaya mong gawin ‘yan on your own. You always go back to ano ‘yung talent na ibinigay sa ‘yo.
“Hindi ko sinasabi na hindi mo kailangan ng ka-love team. Somewhere, sometimes, somehow, kailangan mayroon ka ring ka-love team, lalo na kapag growing up, mga teeny, teenager ka.
“Pero of course you can do it on your own. Ipakita mo what you’ve got.
“Huwag half-baked. Kasi sa totoo lang, ang hirap ng half-baked ang ginawa mo.”
Alam ni Manilyn ang kanyang sinasabi, dahil naranasan niya noon na magkaroon ng ka-loveteam. Naging ka-loveteam niya sina Janno Gibbs at Keempee de Leon.
Sikat na sikat ang loveteam nila noong 80’s pero hanggang ngayon, dahil sa kanyang talent, na wala nang ka-loveteam, ay nananatili pa rin sa showbiz si Manilyn.
So, talent pa rin talaga, at pagiging professional ang dapat na nasa isang artista para sumikat at magtagal sa showbiz.