Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang muling nagpasaring kay Lee, hitsura noon at ngayon ipinagkompara 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest post ni Pokwang sa kanyang Instagram account, marami ang nag-react at nagkomento sa isang hugot nito na pinaniniwalaang patungkol sa kanyang dating live-in partner na si Lee O’Brian.

Ibinahagi niya kasi rito ang kanyang picture, na ikinompara ang kanyang itsura noon sa istura niya ngayon.

Makikita sa first picture na may hawak siyang isang putahe na simpleng-simple lang ang histura niya, na wala siyang kaayos-ayos,  habang sa isa namang litrato, ay todo-make-up siya with matching bonggang OOTD.

Sabi ni Pokwang sa kanyang caption, “Ako noong halos walang oras para sa sarili maalagaan at mapakain ka lang hahahhahahaa ako ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili tah kaa!!!! BOOM!!!!”

O ‘di ba, halatang patama ni Pokwang ang caption na ‘yun sa dating minamahal? 

Parang pinalalabas niya na noong nagsasama pa sila ni Lee, ay hindi niya maayos at maalagaan ang sarili dahil sa pag-aasikaso niya rito.

Pero ngayong hiwalay na sila, ay nagkaroon na siya ng time sa sarili para maging maganda ang awra. 

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing mukha naman siyang maligaya kahit na pagod na pagod na siya. Nakikita raw niya ito sa mga mata ng komedyana.

Sabi ng netizen, “Pls don’t take it the wrong way po Miss Pokie pero iba po yung sigla ng matamo sa first pic.. You look genuinely happy. Eyes can’t lie.” 

Sinagot siya ni Pokwang ng, “Genuine din kasi yung love na binigay ko kaya ganon.”

Isa namang IG user na nagtanggol may Pokwang, “I feel you po. nakakainis Yung mga kumukuda online giving feedbacks to your posts. hayaan ka nlng nila maglabas Ng kung ano gusto mo sabihin bcoz it’s your pain.

“Ginagawa ko din Po yan. parang part ko Po Ng paghinga, paglabas Ng nararamdaman laban lang po and don’t be affected of those who invalidate your feelings,” ang komento pa ng netizen.

Reaksiyon naman ni Pokwang, “Mga hindi busy mga walang magawa para umunlad ang buhay hahahahhaha baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag marites sa mga post ko mga animal nayan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …