MA at PA
ni Rommel Placente
SPEAKING of Lee, sa isang panayam sa kanya, sinabi niya na aware siya sa mga ipinu-post ni Pokwang sa social media, pero hindi siya nagsalita laban sa dating partner.
Sabi ni Lee, “All I can say is, I love my daughter more than anything in this world.
“And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world.
“And that’s my story. That’s all I can say.”
May mga pag-uusap naman daw sila ni Pokwang. Pero hindi lang niya idinetalye kung ano ang susunod na mangyayari. Ang tanging hangad lang niya ay maayos na ang lahat.
Nang hiningan siya ng mensahe para kay Pokwang, ang sabi niya na naiiling, “I hope for the best for everyone involved, the most for my daughter.”
Kung ganyang may mga pag-uusap na palang nagaganap kina Pokwang at Lee, bakit patuloy pa rin ang patutsada ng una sa huli?