Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Manalo Vic Sotto Maja Salvador

Jose Manalo paboritong sidekick ni Vic

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BAKIT lagi kasama si Jose Manalo sa mga proyekto ni Bossing Vic Sotto

Sa bagong project ni Bossing Vic na Open 24/7isang bagong sitcom sa GMA 7 ay si Jose ulit ang kasama niya. Pero level up na si Jose. Hindi na basta-basta sidekick ha. Kapatid ni Bossing si Jose rito.

Siguro kampante si Bossing kay Jose since matagal-tagal na rin naman silang magkasama kaya paborito niya itong kasa-kasama sa kanyang mga sitcom. 

After Daddy’s. Gurl, ito na ang bagong weekly sitcom ni Bossing Vic sa GMA tuwing Sabado ng gabi. Si Maja Salvador naman ang makakasama niya rito. 

Halos two years na silang magkasama sa Eat Bulaga. Matagal na ring magkaibigan na ring kaibigan ni Maja si Pauline Luna kaya matagal na rin silang magkakilala ni Bossing Vic. 

Gustong-gusto rin pala ni Maja na makasama si Bossing Vic sa isang project at siya na mismo ang nag-allow sa sarili na if ever magkaroon ng bagong  project ang komedyante ay kasama siya.

Ang maganda kay Maja wala siyang exclusive contract sa alinmang network.

Maraming mga kabataan ang kasama sa sitcom from Sparkle sa pangunguna ng tambalang Allen Ansay at Sofia Pablo. Kaya masaya itong sitcom na ito. Sa preskon pa lang puro katatawanan ang nangyari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …