Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Maine Mendoza Arjo Atayde

Bossing Vic kinompirma magnininong sa kasal nina Arjo at Maine

MA at PA
ni Rommel Placente

TRENDING sa social media ang muling pag-apir ni Maine Mendoza sa noontime show na Eat Bulaga, matapos mag-absent ng ilang araw, dahil sa panunukso ng kanyang mga co-host na sina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo sa isang segment ng programa..

Napagtripan kasi ng apat na hosts ang isang bayong ng hilaw na mangga sa studio. 

Sigaw nga ni Jose, super favorite raw ni Maine ang mangga.

Happiness ito!” ang mabilis namang sagot ng finace’ ni Cong. Arjo Atayde.

Pero bigla namang kumambiyo si Maine at humirit ng, “Uy, hindi ako naglilihi, gusto ko lang.” Na sinagot ni Paolo ng, “Defensive friend, ha?”

Sey naman ni Maine kay Pao, “FYI, kakulay ng damit.” (Naka-all green si Maine na damit). 

Singit naman ni Wally, “Noon pa man mahilig na si Maine sa mangga.”

Samantala, sa isang interview ni Vic Sotto ay kinumpirma niya na magiging ninong siya sa kasal nina Maine at Cong. Arjo.  

Oo naman. Hindi pwedeng tanggihan,” ang sabi ni Bossing Vic. 

O ‘di ba, bongga sina Maine at Arjo dahil isa si Bosing Vic sa magiging ninong sa nalalapit nilang kasal.

Pero sino pa nga kaya ang iba at ang mga magiging ninang naman?

Noong ma-interview kasi namin si Arjo, ayaw pa niyang sabihin kung sino ang magiging mga ninong at ninang sa kasal nila ni Maine.

Pero ayun nga, isa pala si Bosing Vic sa magiging ninong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …