Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Moran

Pia Moran handang magpakita ng boobs sa pagbabalik pelikula

MA at PA
ni Rommel Placente

BALIK-PELIKULA si Pia Moran. Isa siya sa cast ng  Lola Magdalena. Gaganap siya rito bilang si Luningning, na dating ago-go dancer, na nahumaling sa 28-anyos na si Carlo San Juan, sa papel na Daks.

Sabi ng tinaguriang Miss Body Language noong 80’s, gusto niya ang istorya ng Lola Magdalena kaya tinanggap niya ito.

Si Direk Joel Lamangan ang direktor ng pelikula. Siya mismo ang peronal na pumili kay Pia para mapasama.

Sa tanong kay Pia kung payag ba siyang maghubad sa pelikula at kung keri ba niya ang mag-breast exposure, ang sagot niya, “Why not? Breast lang pala, eh!”

Samantala, aminado si Pia na kasalanan niya ang pagkalat noong 1990 ng VHS (Video Home System) tape na nakikipagtalik siya sa boyfriend niya.

Pumayag kasi siyang i-videotape ang kanilang pagniniig.

Sabi ni Pia na natatawa, “Ang tanga-tanga, ‘di ba?! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Eh, anong magagawa ko, nangyari na. Naano ako roon pero nalampasan ko. Eh anong magagawa ko, nangyari na, ‘di ba?”

Kaya naman kumalat ang sex video ni Pia, dahil noong nag-rent siya ng VHS, akala niya ay ‘yun ang ibinalik niya. ‘Yun pala ang nadala niya ay ‘yung VHS na ang laman ay ang pagsi-sex nila ng dating boyfriend. 

Hindi ko ine-expect na ganoon ang mangyayari. Katangahan! Aray ko! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! dDi ba, nakakaloka?!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …