Tuesday , May 13 2025
shabu

Nueva Ecija cops umiskor nasa P1-M halaga ng shabu nakumpiska

Isang lalaki na na kabilang sa drug watch listed personality at kanyang kasabuwat ang arestado ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa.
Ayon sa ulat na ipinarating ng Nueva Ecija PPO kay PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr., ang mga operatiba ng Cabanatuan CPS ay nagsagawa ng buy bust operation sa Purok 7, Brgy. Valle Cruz, Cabanatuan City.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng drug watch listed individual na kinilalang si Dionisio Gonzales III at kanyang kasabuwat na nakilala namang si Elena Valdez.
Nasamsam sa dalawa ang isang piraso ng pre-marked na Php1,000 bill, buy bust money, anim na piraso ng Php1,000 bills boodle money, isang itim na sunglasses bag, isang green pouch, pitong selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng shabu, at isang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman din ng shabu, may timbang na humigit-kumulang sa 140 gramo at tinatayang may halagang Php 952,000.00.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …