Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng ibat-ibang ahensiya ang Clark Sun Valley Hub Corporation sa Mabalacat, Pampanga at nailigtas ang higit 1,000 dayuhan na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking.
Batay sa impormasyon mula sa Department of Justice (DOJ) ikinasa ang operasyon base sa search warrant na inisyu ng isang korte sa Malolos City, Bulacan dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act..
Pinangunahan ng mga tauhan ng PNP-Anti Cybercrime Group ang operasyon base sa impormasyon na ang korporasyon ay sangkot sa illegal crypto currency trading.
Nabatid sa ulat na ang mga biktima ay mula pa sa mga bansang China, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Nepal, Taiwan, Thailand at Vietnam.
Samantala, hindi naman bababa sa 12 tauhan ng nasabing establisyemento ang hinuli ng mga awtoridad na pinaniniwalaang mga miyembro ng sindikato.(Micka Bautista)