Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Montes Claudine Barretto Julia Barretto

Claudine type sina Julia Barretto o Julia Montes gumanap sa kanyang biopic

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI kami aware na okey na rin pala ang magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto. Ang pagkakaalam namin, ang okey lang ay sina Claudine at Gretchen Barretto

Sa guesting ni Claudine sa Falt Talk With Boy Abunda noong Biyernes, isa sa mga itinanong ng King of Talk kay Claudine, ay ang kanyang kasalukuyang relasyon sa mga ate niyang sina Gretchen at Marjorie.

Sabi ni Claudine tungkol kay Gretchen: “She never left my side. We don’t get to spend time all the time, but the words of wisdom, her being there, kahit thru phone lang, ang dami kong natutunan…. Dada [Tonyboy Cojuangco], Atong [Ang].”

Ang Dada na tinutukoy ni Claudine ay ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco. Si Atong Ang naman ay ang negosyanteng malapit kay Gretchen.

Tungkol naman kay Marjorie, ang sabi ni Claudine, “As for Marjorie, we don’t really get to talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, dinners, merienda with family.

“We have a big family. We did small talk. That’s good. That’s good enough.”

O ‘di ba, after Gretchen ay nagkaayos na rin pala sina Claudine at Marjorie.

At mukhang naayos na rin ang hidwaan kina Claudine at pamangkin niyang si Julia Barretto. Nang tanungin kasi ni Kuya Boy si Claudine, na kung gagawing pelikula ang buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap, ang sagot ng aktres ay si Julia o si Julia Montes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …