HATAWAN
ni Ed de Leon
“IGINARAHE, na ng isang milyonaryong bakla ang isang baguhang male starlet. Kaya wala siyang pakialam kung may makuha ba siyang assignment o wala, kahit na puro workshops lamang siya.
Ibig sabihin, walang kita kundi gastos pa, ok lang sa kanya. Panay pa rin ang disco at walwal niya, pero hindi gaya ng iba na tumatambay sa mga lugar na iyon para makakita ng magbibigay sa kanila ng pera.
Sa kanya, ok lang na gumastos siya, after all supported siya ng milyonaryong bading na nasa real estate business daw. Panay din ang staycation niya sa mga five star hotels. Can afford na siya eh.
Pero siyempre ang ininis naman ay ang mga dati niyang kaibigang bading na hindi na afford ang presyo niya ngayon.