HATAWAN
ni Ed de Leon
IKINAILA ni Antoinette Taus ang mga tsismis noong araw na kaya siya nagpunta sa US ay dahil nabuntis siya at itintago niya iyon. Isipin ninyo, ang love team nila ni Dingdong Dantes noon ang itinuturing na number one. Noong mawala na lang iyon at saka nakaangat sina Angelu de Leon at Bobby Andrews.
Hanggang sa Angeles City na may sikat na fried chicken house sina Anoinette, sinusubaybayan siya ng fans, para malaman kung buntis nga ba siya o hindi, eh wala naman silang nakitang lumaki ang tiyan hanggang sa umalis patungong US. Kaya naman sila tumuloy sa US at nagtagal doon ay dahil nga nagpagamot ang ermat niyang may cancer at gusto naman nilang sila ang mag-alaga roon hanggang sa huling sandali.
Yumao na nga ang ermat niya, kaya umuwi na rin silang muli sa Pilipinas. Ewan kung sila pa ang nag-o-operate ng Angeles Fried
Chicken o hindi na. Pero noong araw, iyon ang sikat na sikat at sinasabing pinaka-masarap na fried chicken sa Angeles City.
Ngayon sinasabi nga ni Antoinette na kung siya ay may anak, hindi niya itatago iyon sa publiko kundi ipagmamalaki pa niya. Ewan nga ba kung bakit nagkaroon noon ng ganoong tsismis pero maugong iyon.