Sunday , December 22 2024

BIDA ni SILG Abalos, bidang-BIDA sa BJMP

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MAGANDA ang layunin ng programa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA). Kailangan ko pa rin bang ipaliwanag ang layunin ng BIDA? Katunayan, napakalinaw ang bawat kahulugan ng bawat salita sa BIDA.

         Obvious ang pakay ng BIDA, di ba my fellow countrymen? Ganyan katalino ng mga Pinoy, hindi na kailangan palinawagan pa, intiendido na nila ang bawat salita ng apat na salita sa BIDA.

         Nang i-BIDA ni Abalos ang programa bilang kampanya para sa seguridad ng bawat pamilyang Pinoy o indibidwal, inakala ng nakararami na ang direktiba ng programa ay para lamang sa Philippine National Police (PNP). Hindi naman lingid sa ating kaalaman, ang PNP ang masasabing responsible at may obligasyon para maseguro ang kaayusan at katahimikan ng bansa o mga komunidad.

Totoo naman na ang PNP ang masasabing numero unong mag-iimplementa ng direktiba ni Abalos — ang BIDA.

Partikular na target ng BIDA ay gawing prayoridad at paigtingin pa ang gera laban sa droga. Nakita naman natin my dear Filipino people na kahit marami nang nadadakip na drug couriers/pushers matapos na makompiskhan ng shabu (at mga tulad nito) ay talamak pa rin ang pagkalat ng ilegal na droga sa bansa.

Pero ang BIDA nga ba ay para sa PNP lamang? Hindi! Sa halip my dear kababayans, para rin sa lokal na pamahalaan at maging sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Yes, kabilang ang BJMP sa pag-implementa ng BIDA sa piitan na nasa ilalim ng BJMP.

         Kunsabagay, tulad ng PNP…wala pa ang BIDA ay panay at pinaigting na rin ng BJMP ang kanilang gera laban sa ilegal na droga. Marami nang pinilayang sindikato ng droga sa loob ng mga piitan lalo sa Quezon City Jail Male Dormitory sa pangunguna ni JSupt. Michelle Bonto bilang Warden ng pasilidad.

Ang BIDA naman ngayon ni Abalos, ang ibiniBIDA sa lahat ng piitan na nasa ilalim ng BJMP. Sa pangunguna ni JChief Supt. Ruel Rivera bilang Acting Chief ng BJMP, suportado ng ahensiya ang pinaigting na gera sa droga ni Abalos – siyento por siyentong iniimplementa ni Rivera ang BIDA hindi lamang para maging malinis ang bawat pasilidad sa droga kung hindi para na rin sa kapakanan ng bawat persons deprived of liberty (PDLs) – seguridad at kalusugan.

Nitong 25 Abril 2023, bilang katugunan sa BIDA, sa direktiba ni Rivera ay nagsagawa ng Joint Greyhound Operation ang QCJMD at Quezon City Police District (QCPD) sa QC Jail. Katuwang din ng mga operatiba sa operasyon ang mga K9 Narcotics Detection Dogs. Bilang bahagi kontribusyon ng K9 dogs, nanguna sila sa pagtunton sa posibleng pinagtataguan ng mga droga sa loob ng mga selda sa QC Jail. Siyempre, kasama sa operasyon – alangan mga K9 dogs lang…ay ang 7 miyembro ng  QCPD EOD/K9 DECU, 10 police personnel ng QCPD PS 10 Kamuning at 23 jail personnel mula sa QCJMD.

“A total of 1,147 PDL were subjected to pat, frisk and body search while 2 dormitories were targeted by the greyhound operation which yielded 4 Improvised Bladed Weapons/Pointed Metal, 66 Concrete Nails, 16 Screw, 1 improvised Shaver, 6 Shaver, 158 Various Nuisance Contrabands such as wooden sticks, broken water pipes, electric fan parts, discarded wires and ballpens,” pahayag ni Rivera.

Pero ang pinakamagandang balita sa operasyon ay ang…ipinagmamalaking pahayag ni Rivera na… “No illegal drugs were seized during the search.”

Isa lang ang ibig sabihin nito, walang ilegal na droga na nakalulusot sa QCJMD…at masasabing pilay na pilay ang sindikato ng droga sa QCJMD.

Siyempre, naging matagumpay ang kampanya ni Bonto dahil sa tulong at pakikiisa sa kanya ng kanyang personnel – jailguards etc.

“The Joint Greyhound Operations at QC Jail Male Dorm in partnership with other Law Enforcement Agencies (LEAs), is part of the campaign of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) for an intensified conduct of “OPLAN LINIS PIITAN” in order to get rid of contrabands towards a contraband- free and drug-free jail facilities in support of the Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program of the DILG which aims to provide a holistic approach in countering the proliferation of illegal and dangerous drugs. The BIDA Program focuses on the pillars of (1) prevention, (2) law enforcement, prosecution and correction, (3) rehabilitation, wellness and reintegration to which the BJMP jails plays a vital role into transforming the lives of the PDL into becoming a productive citizens upon their reintegration to  the community, being the first point of contact of offenders under the Corrections Pillar,” pahayag ni Rivera.

“No less than the Acting Chief, BJMP JCSupt. RUEL S. RIVERA, has given a marching order for the intensified conduct of joint greyhound operation in BJMP manned jails nationwide. JCSUPT Rivera is also advocating for the implementation of the BIDA Program in District, City and Municipal Jails and the Philippine Development Plan 2023-2028 under President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.’s administration, to which the BJMP aims to achieve a world class agency capable of providing humane safekeeping and developmental opportunities for Persons Deprived of Liberty under its JAIL P.L.A.N. 2040,” paliwanag naman ni Supt. Bonto.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …