Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi

Yasmien aminadong weird: Lagi nila ako pinagtatawanan, di ko alam kung bakit

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY paagka-weird pala as a person ang mahusay na aktres na si Yasmien Kurdi.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya na bata pa lang siya ay napapansin na ng mga tao ang pagka-wirdo niya.

Post ni Yasmien, “Bata pa lang ako naalala ko tinatawag na nila akong weird ng mga classmates ko and friends from highschool at college.”

Ayon pa kay Yasmien, hindi ito nawala at hanggang pumasok siya ng showbiz.

Hanggang pumasok ako sa showbiz na akala kong mas maraming weird and out of this world mag isip na tao, pero weird pa din ang tingin nila sakin.

“Minsan tinatawag nila akong ‘krung krung’, ‘scaredy’, ‘weirdo’ at kung ano ano pa… Lagi nila ako pinagtatawanan (ng mga katrabaho ko) pero di ko alam kung bakit.”

Inisip pa nga ni Yasmien na baka hindi lang siya trip o gusto ng ibang tao kaya tinatawag siyang weird. 

“Pero eventually I embraced my weirdness, siguro dahil doon kaya ako artista haha!” masayang sabi pa niya.

Nagbigay din ng payo si Yasmien sa mga batang tinatawag ding weird kagaya niya.

Kaya kids, wag kayo ma bother kung may tumatawag sa inyong ‘weird’ because we are all unique in our own way. Wag mo iyakan yan tulad ko noon.

“Di mo kailangan i-meet yung standards ng society. Make sure lang na wala kang tinatapan na tao at mabait ka sa lahat. Be proud of your uniqueness at weirdness.

“Keep doing your thing. One day it will all make sense. Just keep going! One day you may just change the world. Cheers!” hirit pa ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …