Patuloy ang paalala ng pulisya sa mamamayan sa Bulacan na mag-ingat sa pagmamaneho ng mga motorsiklo upang hindi mabiktima ng mga gumagalang agaw-motorsiklo gang na ang huling nabiktima ay isang ginang sa bayan ng Sta.Maria kamakalailan.
Sa ulat mula kay Police Lt.Colonel Christian Balucod, hepe ng Sta..Maria Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay kinilalang si Myren Paynor y Moreno, 35, may-asawa na residente ng Blk 27 Lt 5 Pasinaya Homes, Phase 1, Brgy. Bulac, Sta.Maria, Bulacan samantalang ang mga suspek ay tatlong kalalakihan na nakamotorsiklo..
Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi,ang biktima at kanyang anak ay lulan ng minamanehong Honda Click 125 MC plate No. 157 CXJ, at nang papasok na sa gate ng kanilang subdibisyon ay isang motorsiklo ang biglang dumating sa tagiliran at hinarangan ang kanyang daraanan.
Pagkatapos nito, isa sa mga suspek ang umagaw sa left handle bar ng kanilang motorsiklo kasunod ang pagtutok ng baril kaya wala silang nagawa kundi ang bumaba sa motorsiklo.
Matapos maagaw ang motorsiklo ng mga biktima ay tumakas ang mga suspek sa hindi pa malamang direksiyon dala ang kanyang cellular phone na nakalagay sa inner pocket
Kaugnay nito, sa masigasig na follow-up operation ng pulisya ay kaagad naaresto kamakalawa ang mga suspek sa pamamagitan ng Facebook page sa pangalang ” Jhan Be’ na nagbebenta ng ninakaw na motorsiklo online.
Kinilala ang mga suspek na sina Alexander Bensan y Arganosa, 23, residente ng 714 Colescruz, Brgy. Balete. Rodriguez. Rizal at kanyang kasabuwat na si Chozen Cruz y Manuel, 28, na residente naman ng 197 Colescruz St, Brgy. Balete, Rodriguez. Rizal.
Inginuso naman ni Chozen Cruz ang isa pang suspek na kinilalang si Rudy Gonzalo na kinilala ng biktima na siyang tumutok ng baril sa kanya kasama ang isa pang kasabuwat na si John Kelvin Tambalo y Marquez (At-Large), residente ng Cottage 2A, P. Burgos St. Brgy. 9, Caloocan City at isang Alias Negro, mula sa Apalit, Pampanga.
Gayundin ang narekober na isang (1) Honda Click Color White ay kinilala rin ng biktima na motorsiklong ginamit ng suspek na si Rudy Gonzalo para harangan siya sa daan. (Micka Bautista).