Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna Elias Derek Ramsay Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center

Ellen mas gustong tutukan paglaki ni Elias kaysa mag-showbiz

BILANG isa sa ambassador ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center, dumalo si Ellen Adarna sa inauguration at ribbon-cutting nito na ginanap noong Wednesday ng happon.

Ayon kay Ellen, tinanggap niya ang offer na maging ambassador ng nasabing medical clinic dahil aligned na aligned daw ito sa buhay niya ngayon.

Bukod dito, seven years na siyang kliyente ng Shinagawa kaya nag-yes agad siya nang aluking maging endorser.

Samantala, pinanindigan ni Ellen ang kanyang desisyon na huwag na munang bumalik sa mundo ng showbiz.

Tulad ng kanyang asawang si Derek Ramsay, mas gusto ni Ellen na i-enjoy muna ang kanyang married life kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Ayokong mag-taping, ayokong mag-soap, alam naman nating it requires a lot of energy and time away from family. It is my choice to take a break,” sabi ni Ellen.

Napag-usapan ba nila ni Derek pareho nilang isasantabi muna ang showbiz? 

Sagot niya, “I think, we just met at a perfect time. That when I met him, parang ayaw na rin niya. I think, because of COVID, you know, parang he realized a lot of things.

“When I had Elias, parang it was really my priority that I want to be there on his formative years and so, there, he’s turning 5.” (Rommel Placente)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …