Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Lazada delivery man, hinoldap dalawang suspek nasakote

Dahil sa maagap na pagresponde ay kaagad naaresto ng pulisya ang dalawang lalaki nangholdap sa isang delivery man sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon, Abril 27.
Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga suspek na sina Jayson Empasis y Valiente alyas Jayson, residente ng No. 34 Kanluran St. Brgy. Caingin, Meycauayan City; at Leonard Dela Cruz y Tortusa alyas Onad, na residente naman ng Blk 61 Lot 2 Magsaysay St., Kamagong Upper Bicutan, Taguig City.

Ayon sa biktima na delivery man ng Lazada, magdedeliber sana siya ng mga parcel sa Meycauayan City nang sabayan siya ng dalawang suspek na sakay ng Yamaha Mio Sporty na may improvised plate No.1301-0167836.

Dito na siya tinutukan ng baril ng mga suspek kasunod ang pagdedeklara ng holdap kaya sa takot ng biktima ay ibinigay niya ang hawak na cash sa mga oras na iyon.

Matapos isagawa ang panghoholdap ay mabilis na tumakas ang mga suspek samantalang ang biktima ay kaagad nagsumbong sa tanggapan ng Meycauayan City Police Station na kagyat namang nagresponde.

Dahil sa naging mabilis ang pag-aksiyon ng kapulisan ng nasabing himpilan ng pulisya, bago tuluyang nakalayo ay naaresto nila ang mga suspek na ngayon ay nakadetine sa Meycauayan CPS custodial facility para sa inquest proceedings.

Inaalam din ng mga awtoridad kung ang dalawang suspek ang sila ring nasa likod ng mga panghohodap sa mga delivery personnel sa naturang lungsod. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …