Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manny Pacquiao Running Man

Manny Pacquiao nagpa-house tour sa cast ng Running Man; Mga Koreano nalula sa mansiyon

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ISA sa mga itenerary ng Korean cast ng Running Man ay ang bisitahin ang mansiyon ni Manny Pacquiao. Tinanggap naman ni Manny ang mga foreign guest na iniikot ng mga tauhan niya habang wala pang pinagkakaabalahan. 

Kinalaunan ay hinarap sila ni Manny at nakipagkuwentuhan sa kanila na ikinatuwa ng lahat. Hinandugan sila nito ng regalo mula Korea.

Pinangakuan sila ni Manny na sa pagbabalik nila rito ay sa Gensan niya dadalhin ang grupo. 

Anang mga Koreano kay Manny, parang resort ang mansyon niya. Si Ryan Bang ang naging interpreter ng grupo.

Nasa Las Vegas sina Manny at Jinkee para umattend sa isang boxing event. Doon ay nakasalamuha nila sina Mike Tyson, Mark Wahlberg, at Mario Lopez.  Binisita rin niya ang mga amateur boxer habang nagsasanay ang mga ito.

Hindi pa namin alam kung ano ang plano niya pagdating sa politika. Hindi pa yata siya nagri-reach kay Pangulong Bongbong Marcos. Naalala ko nang dumalo siya sa birthday party ni Sen Jinggoy Estrada ay si Pangulong ErapVP Sarah Duterte, at Jinggoy lang ang binati niya. Nilampasan niya si PBBM na katabi lang ni Jinggoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …