DREAM come true para kay Ken Chan na makatrabaho si Gabby Eigenmann.
“Nakaka-message ko po si Kuya Gabby, sinasabi ko po lagi, ‘Sana makatrabaho po kita, Kuya Gabby!
“Kasi pangarap ko talaga siyang makatrabaho po,” kuwento ni Ken.
At sa pamamagitan ng pelikulang Papa Mascot ay natupad ang pangarap ni Ken dahil isa si Gabby sa main cast ng naturang pelikula ng WIDE International Films.
Sinabi pa ni Ken, “And noong unang shooting day namin, sabi ko sa kanya, ‘Kuya Gabby kinakabahan akong makaeksena ka!’
“Pero you know what, ang dami ko pong natutunan kay Kuya Gabby, kasi nag-uusap po kami pati ni Ate Liza ng mga technique sa pag-arte.
“Nagkukuwentuhan po kami kung ano ba ‘yung kailangan, kung paano ba ‘yung mga technique.
“Ang dami po nilang nai-share sa akin na hindi ko pa nalalaman, na nakatulong din sa akin para mabuo ko ‘yung film character ko bilang si Papa Mascot.
“And I’m just so thankful, Kuya Gabby and Ate Liza, that you shared that to me. That moment noong nasa court tayo noon, naka-standby tayo, ang dami kong mga learning na nai-apply ko at nakatulong sa akin to built the character as Nico, as Papa Mascot.
“Kaya I’m blessed po, thank you.” (Rommel Gonzales)