Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eunice Lagusad Jillian Ward

Eunice Lagusad thankful sa pagkakasama sa serye ni Jillian

PATULOY na humahataw sa ratings game ang Abot Kamay Na Pangarap ng GMA na bida sina Jillian Ward bilang Dra. Analyn Santos, Richard Yap bilang RJ Tanyag, at Carmina Villarroel bilang Lyneth Santos.

Nasa naturang serye rin si Eunice Lagusad bilang Nurse na si Karen, kaya tinanong namin ito kung ano ang pakiramdam na maging parte ng isang teleserye na bukod sa mataas ang rating ay pumalo na sa mahigit tatlong bilyon ang kabuuang views ng videos sa tatlong social media platforms- YouTube, Facebook, at TikTok.

It’s an honor po kasi siyempre marami pong… parang kami ngayon po ‘yung, sumunod sa ‘Maria Clara At Ibarra,’ na mataas po na show.

“And knowing na panghapon po kami sobrang thankful din po na napasama po ako roon at maganda po ‘yung role na napunta sa akin which is si nurse Karen,” saad ni Eunice.  

Bukod sa telebisyon ay kasama si Eunice sa pelikulang Home I Found In You na produced ng Rems Films, idinirehe at isinulat ni Gabby Ramos.

Kasama rin sa pelikula sina Jhassy Busran as Selene at John Heindrick bilang si Red at sina Harvey Almonedabilang si Aldrin, Diego Llorico bilang si Mama Rona, Orlando Sol bilang si Arnold, at ang award-winning veteran actor na si Soliman Cruz bilang si Mario.

Sina Jhassy at Heindrick (o kilala ring JhasDrick loveteam) ay mga bida rin sa ROOMMATE Facebook series, na available for streaming ng libre sa Gabby Ramos official FB page.

Samantala, bilang dumaan rin si Eunice sa pagiging newcomer, na sumikat  bilang si Charming sa Bakekangnoong 2006, ano ang maipapayo niya kay Jhassy na maituturing na baguhan pa lamang bilang artista.

Siguro kung magpapaka-real talk po ako, dapat makapal ang mukha mo lagi,” at natawa si Eunice.

Pagdating sa showbiz, hindi ka dapat madaling sumuko.

“Dapat laban ka lang ng laban kasi sa mundo ng showbiz alam naman natin na hindi madali. Marami’t marami kang makakalaban.

“Marami’t marami kang magiging haters so, dapat matibay ang loob mo,” ang pagtatapos pang sinabi ni Eunice. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …